^

Pang Movies

Dahil sa pagyao ng kapatid, Nora malabo pang magpa-opera

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natawa kami sa comment ng aming kaibigan at colleague na si Ismaelli Favatinni.

Sabi niya, kung hindi man daw naipapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang mga pelikula ni Nora Aunor, mukhang ginagawan naman ng paraan para iyon ay maipalabas sa European theater circuit.

Ha? Humiwalay na ang Great Britain sa European Union. Ang pinag-uusapan, marami pang mga bansang maaaring umalis na rin sa EU. Baka watak-watak na ang EU hindi pa rin maipalabas kahit na isa mang pelikula ni Nora.

Mas mapili ang mga European sa pelikula. Iba ang kultura nila. Hindi lulusot sa kanila ang mga pelikulang maliliit ang budget. Kasi ang mga pelikulang iyan, talagang tinipid ang produksiyon at mahahalata mo iyon kung panonoorin mo ang pelikula. Technically, hindi rin naman ganoon kaganda ang mga indie, kasi nga kulang sa equipment dahil tinipid.

Pero mas natawa kami sa sagot niya sa isa pang question. Ang tanong, July na, talaga bang papaoperahan na ni Nora ang kanyang lalamunan para siya makakanta?

“Naku hindi makakaalis si Ate Guy kasi kama­matay lang ni Buboy,” sagot ni Ismaelli.  

Laugh naman kami nang laugh. Hindi rin naman maipinta kung gaano kataas ang inilipad ng kilay ng ibang kaharap din namin sa usapang iyon.

Pero kanya-kanya naman tayong paniniwala hindi ba?

MMFF ayaw pa rin bitawan ng MMDA

Wala kaming nakikitang masyadong pagbabago sa sinasabi nilang “changes” sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang tingin namin diyan, in the end sila-sila rin naman iyan.

Sila lang naman kasi ang mahilig diyan at wala namang magkakaroon ng interest na patakbuhin ang nasa­bing festival.

Maliwanag na ang festival ay hahawakan pa rin ng MMDA, ganoong ang matagal na ngang kam­panya ay ibalik na iyan sa dati, na pinapatakbo ng mga taga-industriya at iyang mga metro mayors ay maging donors na lang kagaya noong araw.

Sa ngayon, maliwanag na ayaw bitiwan ng MMDA ang proyekto, kahit na nga kung anu-anong batikos na ang lumalabas.

Ang pagbabago lang ay ilalagay na raw sa last day ng festival ang awards night, hindi na kagaya nang dati na ang awards ay ibinibigay sa second day lamang ng festival.

Ang unang maapektuhan diyan ay ang laging pinaglalabanan nang mahigpit, iyong top grosser. Hindi naman pinag-uusapan diyan kung sino ang magaling eh. Ang pinag-uusapan kung sino ang may pinakamalaking kita kasi nga trade festival iyang MMFF. Maganda iyan dahil iyong sasabihin nilang top grosser, iyon na talaga iyon. Hindi kagaya ngayon na laging may usapan kasi ang naidedeklara iyong top grosser lang sa first two days, at kung malampasan man iyon ng iba, bale wala na.

Noong araw, ibinibigay ang awards sa second day, dahil sa paniwala nilang ang pananalo ng awards ay makakatulong para makabatak ng tao ang magagandang pelikula. Eh mukhang hindi na rin naman pinaniniwalaan ang mga awards eh. Iyong mga nananalo ng awards sa festival, hindi rin naman kumikita talaga. Kaya nga siguro masasabing wala rin namang saysay iyong maagang pagbibigay ng awards.

Marami pa silang sinasabing pagbabago pero hindi pa natin alam kung magagawa nga nila o hindi. Hindi rin natin alam kung ano ang magiging epekto noon sa publiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with