^

Pang Movies

Aktor na palaos pinatos ang bading na boss ng network

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Wondering ang sikat na aktres dahil madalas na guest sa show niya ang isang struggling actor.

Nasagot ang pagtataka ng aktres nang malaman nito na boyfriend ng isang gay television executive ang struggling actor na hindi nawawalan ng mga television guesting.

Quiet na lang ang aktres nang malaman nito ang the truth and nothing but bilang respeto sa television network exe­cutive.

Eddie Villamayor sa Sabado na ang libing

Sa Sabado ang libing ni Eddie Villamayor sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.

Kahit matagal nang huminto sa pag-aartista, maraming showbiz personality ang nakiramay sa pumanaw na kapatid ni Nora Aunor.

Stroke ang ikinamatay ni Eddie na matagal na na-confine sa isang ospital sa Quezon City.

Sumakabilang-buhay si Ed­die sa edad na 56.

Sen. Bong gusto uling tumakbo sa pagka-senador

Last day ngayon ng panu­nungkulan nina Jing­goy Estrada at Bong Revilla, Jr. bilang mga senador.

Private citizen na uli ang dalawa pero puwede na uli sila na mag-file ng candidacy sa 2019.

Nasanay na sina Bong at Papa Jinggoy na maglingkod sa bayan. Gusto pa rin ni Bong na maging public servant at kung sakali na kakandidato siya, gusto niya na tumakbo uli bilang senador.

Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Bong nang bisitahin ko siya noon sa PNP Custodial Center.

Sinabi niya sa akin na kung saan siya nalugmok, dito siya babangon.

Julie Anne pinagnanasaan sa bagong hitsura

Ibang-iba na Julie Anne San Jose sa music video ng Na­ririnig Mo Ba?

Sosyal na sosyal ang hitsura ni Julie Anne dahil binago ni Bam­bbi Fuentes ang make up niya.

For a change, ginawang sophisticated ni Bambbi si Julie Anne na kanasa-nasa sa bagong look niya.

Ang shooting ng music video ng Naririnig Mo Ba ang tinapos ni Julie Anne bago ito lumipad sa London para sa kanyang week-long vacation. Matagal nang nakaplano ang bakasyon ni Julie Anne kaya hindi na puwedeng i-postpone.

Richard nasa Ormoc para sa oath-taking ng pinsan

Spotted kahapon si Richard Gutier­rez sa NAIA dahil pumunta siya sa Ormoc City para saksihan ang oath ta­king nga­yon ng pinsan niya na nag-win sa elek­syon.

Nakasabay ni Richard sa flight ang entertainment writers na Tacloban-bound na invited naman sa inauguration ni Cris­tina Gonzales, ang mayor-elect ng Tac­loban City at successor ng kanyang mister na si Alfred Romualdez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with