^

Pang Movies

Nakabalik na ng bansa, Kris may pasabog!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nandito na sa Pilipinas si Kris Aquino at dalawang anak na sina Joshua and Bimby. Sa kanyang pinakahuling Instagram post last Sunday ay nasa Hong Kong International airport sila at sa caption ay sinabi niyang “home in about 2 hours”.

Dalawang buwan ding nagbakasyon si Kris at dalawang anak sa Hawaii and US. At noon pa naman ay sinabi na niyang back to work siya ng July at kung ano ang trabahong ito, she has yet to announce. Pwedeng shoot ng kanyang endorsement, o pwedeng bagong show.

Ang dinig namin, may pasabog si Kris anytime soon.

Tambalan nina Jerome at Loisa pumatok

Mainit na tinangkilik agad ng manonood ang bagong tambalan nina Jerome Ponce at Loisa Andalio dahil sa paghataw sa ratings ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush na nagsimula noong Linggo (June 26) sa ABS-CBN.

Tinutukan at kinakiligan ng mga manonood ang unang pagtatambal nina Loisa at Jerome sa telebis­yon kaya naman nagtala ng national TV rating na 31.2% ang pinagbibidahan nilang palabas ayon sa datos ng Kantar Media.

LJ walang kawala sa manager

Sinadya nga bang kalimutang pasalamatan ni LJ Reyes ang kanyang manager na si Perry Lansigan sa kanyang acceptance speech nang tanggapin niya ang Best Actress award for the 39th Gawad Urian last week?

Actually, understandable naman na may nakakalimutan ang isang artista na pasalamatan kapag tumatanggap ng award lalo pa nga’t hindi nakapaghanda ng speech at kung ano na lang ang pumasok sa isip that moment.

Pero the following day ay nag-post si LJ ng mahabang “thank you message” sa IG at inisa-isa niya ang lahat ng nais niyang pasalamatan. Sa rami ng pinasalamatan niya, wala talaga roon ang kanyang manager.

Pinasalamatan niya ang kanyang anak na si Aki, ang boyfriend na si Paolo Contis, ang kanyang ina, GMA Artist Center, ang staff and crew ng pelikulang Anino sa Likod ng Buwan. Pati na nga ang kanyang handler at ilang kaibigan ay pinasalamatan niya.

Pati ang stylist niya at ang mga nag-text ng pagbati sa kanya ay pinasalamatan niya.

Actually, may naririnig-rinig kaming tsika na may problema sina LJ at Perry pero wala pa naman tayong kumpirmasyong naririnig sa kanila. We also learned na hindi pa expired ang kontrata ng aktres sa PPL Entertainment kaya up to this day, it’s safe to say na si Perry pa rin ang manager ng aktres.

On the other hand, si Perry ay nag-post ng congratulatory message for LJ sa kanyang Instagram account na isang magandang gesture from a manager regardless kung may problema sila o wala.

Ryan na-master na ang pagbabayad ng tax

Ayon kay Ryan Bang, alam na alam na raw niya ngayon ang sistema sa pagbabayad ng tax sa BIR (Bureau of Internal Revenue) kaya he now pays his taxes diligently. Matatandaan kasing nagkaroon ng tax evasion case ang Korean comedian noong 2013 pero naayos na raw lahat ‘yun.

“Dati kasi, hindi ko alam. Ngayon, hindi lang alam, sobra kong alam kung paano magbayad ng tax. Magbabayad ako habambuhay ng aking tax,” sabi ng TV host/comedian.

“I love BIR,” sambit pa ni Ryan na ikinatawa namin.

Umabot din sa 1.8M ang sininigil sa kanya noon ng BIR na sa ngayon ay katatapos lang niyang bayaran dahil sa mga raket to the point na naoperahan pa siya sa Korea dahil sa sobrang pagod sa kararaket.

“So ngayon, wala na akong problema, every month, nagbabayad na po ako ng tax. Ang pinaka-importante, galing sa puso ko, I love BIR,” ulit pa niya.

By the way, nabanggit nga pala ni Ryan na split na pala sila ng non-showbiz Korean girlfriend niya at ngayon ay loveless siya. Naka-focus daw siya ngayon sa second music video niya na Like, Love, Follow na napapanood sa YouTube.

Wish ni Ryan na just like his first MV last year na Shopping, maging viral din ang Like, Love, Follow MV niya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with