^

Pang Movies

Nahiyang kay Xian, Kim nagkakalaman na!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung noon ay issue kay Kim Chiu ang pagiging sobrang payat, ngayon naman, mukhang nagkakalaman na talaga ang sweetheart ni Xian Lim.

Sa isang production dance number sa ASAP na kasama si Kim, nagulat kami nang ma-focus ang legs niya. Obvious na lumaki ‘yon.

Noon kasi, mala-“tingting” ang tukso kay Kim dahil sa sobrang kapayatan.

Maganda rin na nagkakalaman siya, pero sana ay huwag namang masyadong lumaki ang legs niya, huh!

Max at BF, hindi mahilig mag-PDA

Sina Max Collins at Pancho Magno sa isang coffee shop sa Promenade, Greenhills.

Matagal na ang relasyon ng dalawang Kapuso stars.

Sabi ng isang nakakakilala sa mag-sweethearts, galing daw ang mga ito sa isang Christian service sa lugar na ‘yon.

In fairness, hindi magkatabi sa upuan ang mag-sweethearts. Magkaharap sila ng upuan at malayo sila sa ibang mga artistang mag-sweethearts na mahilig mag-PDA (public display of affection.

Magkapatid na Ruffa at Raymond panay ang out of town

Nasa Paris, France si Raymond Gutierrez para sa ilang fashion events doon.

Gustung-gusto ni Raymond ang Paris.

Madalas na maimbitahan si Raymond sa mga fashion event dahil madalas din siyang humahawak ng mga ganoong klase ng event.

Dito sa ‘Pinas, ilang beses nang kinukuha si Raymond ng malalaking fashion brands para i-launch ang kanilang fashion lines.

Habang nasa Paris si Raymond, nag-post birthday vacation naman sa Hong Kong ang ate niyang si Ruffa Gutierrez.

Lately, nakakahiligang puntahan ni Ruffa ang Hong Kong.

Gusto rin ni Ruffa ang Japan.

Tiyak na mapapanood sa 4th season ng reality TV series na It Takes Gutz to be a Gutierrez ang mga bakasyon na ‘yon ng magkapatid.

Last week of July na ang simula ng nasabing reality TV series ng Gutierrez family sa E! international channel.

AlDub movie hinihintay kung tatapatan

Sisiguraduhin daw ng AlDub fans na magiging blockbuster ang anniversary movie ng mga idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ipapalabas na sa July 13 ang Imagine You and Me nina Alden at Maine under APT Entertainment at GMA Films.

May tatapat kayang pelikula sa Imagine You and Me?

Remember, tinatapatan ng Just The 3 Of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado ang This Time nina James Reid at Nadine Lustre noong May 4, kaya nagkaapektuhan sa box-office ang dalawang pelikula.

Sana naman walang tumapat sa AlDub movie dahil tiyak na maghuhuramentado ang fans nina Alden at Maine, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with