^

Pang Movies

Mark gayang-gaya ang mga galaw ni Winwyn

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Kung hindi talaga maganda si Megan Young, kaya nga, tinanghal na Miss World, baka na out-match siya, kumbaga, ni Mark Herras, na bagay na bagay sa kanyang role bilang isang gay hairdresser sa kanyang bagong soap, Conan, My Beautician.

Sa totoo lang, with his make-up and well-styled dressed na pambabae, hindi mo aakalaing lalaking nagpapapel babae lang si Mark.

Kuhang-kuha niya ang kilos ni Winwyn Marquez na kanyang girlfriend, na hindi niya inililihim na siyang peg niya sa kanyang role bilang gay. Lalo’t ang paglalakad nito in stiletto heels.

Ano naman ang say ni Winwyn sa kanyang performance sa Conan, The Beautician?

“Naa-amuse siya,” ang nakangiting sagot ni Mark.

Directed by Adolf Alix, Jr., Mark didn’t feel any qualm when the role was offered to him. In fact, na-thrill daw siya since siya ang title role.

At home raw siya with gays, since lumaki siya with an uncle who is gay, at mayroon ding gay partner.

Kaya, hindi raw siya kahit kailanman naging anti-gay. Hindi rin siya naniniwala na mai-influence ang isang lalaki, kahit tunay na lalaki raw ito, kumbaga, na maging gay din, if constantly he allows himself in the company of gays.

Guess niya, one is born with the kind of gender he/she eventually embraces.

Richard nag-video ng sarili bago ipadala kay Jodi

Richard Yap, bilang tao at ka-love team, ayon kay Jodi Sta. Maria, may look serious. ‘Yung tipong hindi mo puwedeng biru-biruin, especially out of the blue, kumbaga.

Pero sinabi rin ni Jodi na kalog din si Richard.

Isang beses nga raw ay hinamon niya itong mag-hula-hoop.

The next time she knew daw, pinadalhan siya ni Richard ng video nitong naghu-hula hoop via her cellphone.

In the case of Ian Veneracion daw, type niyang pakinggan ang mga kuwento nito na may kinalaman sa kanyang mga adventure, na talaga naman daw kahanga-hanga.

Pero, kung may hinahangaan daw siya sa dalawa niyang leading men sa soon-to-be released Star Cinema movie, The Achy Breaky Hearts, ito ay ang pagiging both good husband and fathers ng dalawa.

Samantalang 41 lang si Ian, 49 years old naman si Richard.

Katu-turn 34 lang ni Jodi.

Anak ni Janice big time chef na

Janice de Belen is proud of son, Luigi Muhlach, anak niya sa aktor na si Aga Muhlach, na ngayon ay isa nang well-admired chef.

Sa kasalukuyan, executive chef pala si Luigi ng Amacina Restaurant of One Tagaytay Place Suite in Tagaytay City.

A good cook herself, Ja­nice receives order from whoever wants a taste of the food she prepare.

This is aside from her being busy in her showbiz career, as she is currently in the cast of the daily ini-air na series, Be My Lady, with Erich Gonzales and Daniel Matsunaga playing the lead roles.

Janice also plays mom to Kiray Celis sa pelikulang I Love To Death, which also star Enchong Dee.

LJ tinalbugan si Nora

Higit daw na naging mas memorable para kay LJ Reyes ang recent victory niya bilang best actress sa Gawad Urian Awards, for her performance in Anino Sa Likod Ng Buwan, dahil nalaman niyang close fight sila ni Nora Aunor, who was nominated naman for Taklub.

Kaya nga raw, ang iyak niya habang lumalakad pa lamang siya patungong stage to receive her actress trophy.

Ang kanyang boyfriend at fellow GMA 7 talent na si Paolo Contis, ang kanyang escort sa nasabing event.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with