^

Pang Movies

Aktor na halos mabaliw, may pinagkakakitaan na uli

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Waley na raw ang pagiging tulala at mainiting ulo ng isang aktor.  Binigyan na kasi siya ng trabaho ng kanyang home studio.

Matagal-tagal din kasi bago pinag­trabaho ang aktor. Naging nega kasi siya sa paningin ng tao. Eh, marami ring nagsulputang mas batang artista sa kanya na sumikat kaya natabunan ang career niya.

May mga trabaho pa rin naman ang aktor pero hindi regular ang kita niya. Eh, marami rin siyang bayarin at umaasa sa kanya, kaya ngayon, nagagampanan na niya ng mabuti ang mga obligasyon at may pambayad na siya sa mga hinuhulugang gamit at pag-aari.

Ryan naging wild sa show

Nagbunga ang pagiging komikero ni Ryan Agon­cillo sa Ismol Family kaya naman siya mismo ay namangha dahil umabot ito ng dalawang taon, huh!

“I would think it’s simple fun. No stress siya kasi eh. The scripts have been playful and straightforward. ‘Yung chemistry ng grupo namin is also a factor.

“Nag-jell na rin ang family namin. May mga araw nga na nagwa-wild din kami kaya hindi matapos sa isang take ang eksena. So for me, our chemistry is incredible,” sabi ni Ryan.

Alden at Maine going strong ang relasyon!

Walang sawaan factor sa isa’t isa sina Alden Richards at Maine Mendoza kahit halos-araw-araw silang nagsasama sa show at iba pang commitments.

Sabi ni Maine, “May mystery pa rin kami sa isa’t isa. Marami pa kaming natutuklasan kaya parang everyday we get to know each other more.”

Eh ngayong nagsisimula na sina Alden at Maine ng promtions ng launching movie ng loveteam nila na Ima­gine You & Me, asahang higit pang magkakalapit ang dalawa.

Paano naman nila idi-describe ang relasyon nila ngayong nalalapit na ang first anniversary nito?

“I can describe our relationship in one word – stron­ger!” rason ng Dubsmash Queen.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with