^

Pang Movies

Sinuwerte lang! Kinoronahang Miss Manila 2016 hindi naging paborito!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats kay Cristelle Tolentino, ang winner ng Miss Manila 2016 crown and title.

Thirty-two fellow Miss Manila candidates ang ti­na­lo ni Cristelle na never na naging pabo­rito na manalo pero siya ang nangibabaw sa pageant night noong Biyernes.

Marami sa mga pinapa­boran na kandidata ang umu­­wi na luhaan dahil nag-expect sila. Kung sino ang mga hindi paborito, sila ang mga nag­karoon ng puwesto. Well, talagang gan­­yan ang buhay. Kanya-kan­yang suwerte lang.

Halatang masaya sa lovelife, KC nagmumura ang ganda

Sina Edu Manzano at KC Concepcion ang emcees ng Miss Manila 2016.

Blooming at seksi si KC, ayon sa mga nanood ng Miss Manila coronation sa PICC Reception Hall. Ob­vious na in love at happy daw si KC sa boyfriend nito na si Aly Borromeo kaya nag­mu­mura ang beauty niya.

Pag-apir ni kris sa show ni Marian hindi shocking

Hindi shocking ang balita na aapir si Kris Aquino sa morning program ni Ma­rian Rive­ra sa GMA 7. Basta type niya na mapag-usa­pan at mag-ingay, alam na alam ni Kris ang mga aksyon na dapat gawin.

Bakit lalabas si Kris sa Magandang Buhay eh ito ang ipi­nalit sa mor­ning show na iniwanan niya kaya perfect choice ang Yan Ang Mor­ning dahil ma­pa­pa­nood siya sa rival net­work ng ABS-CBN.

Abangan na lang natin kung ma­tu­tuloy ang guesting ni Kris sa mor­ming show ni Ma­rian. Malay natin, baka magbago ang isip niya dahil na­u­na nang lumabas ang balita at nabu­lil­yaso ang kanyang balak.

Basta ang sure na sure, babalik na si Kris sa Pilipinas at mang­yayari ito nga­yon, sa ayaw at sa gusto ng haters niya.

Lorna hindi nalilimutan ang kasal nila ni Daboy sa Villa Escudero

Ginunita ni Lorna Tolentino ang wedding anniversary nila ni Rudy Fernandez noong Biyernes.

Ang anibersaryo ng pagpapakasal nila ni Daboy sa Villa Escudero sa Quezon ang hindi nakakalimutan ni LT na alalahanin.

Ninang ako sa Villa Escudero wedding nina LT at Daboy. Big news noon sa showbiz ang kanilang pagpapakasal na dinaluhan ng who’s who sa showbiz at pulitika.

Andi malapit pa rin sa puso ng kapatid ng ex

Kahapon ang 26th birthday ni Andi Eigenmann at hindi siya nakalimutan na i-greet ng happy birthday ng kanyang ex-future sister-in-law na si Jerika Ejercito.

Kahit hiwalay na sila ni Jake Ejercito, friends pa rin si Andi kay Jerika na may common denominator, pareho silang separated sa tatay ng kanilang mga anak.

Ang Camp Sawi ang next movie ni Andi sa Viva Films. Kinunan sa Bantayan Island sa Cebu ang mga eksena ng Camp Sawi. Dusa raw ang pagpunta sa Bantayan Island dahil apat na oras ang biyahe mula sa Cebu City pero sulit ang pagod dahil mala-paraiso ang lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with