^

Pang Movies

Batang girlfriend ni Alden idinenay ni Arnold

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ilang araw na ring nagtatanong ang AlDub Nation sa nasulat na hindi si Maine Mendoza ang girlfriend ni Alden Richards dahil may young girlfriend ang actor. Ang mga nagsulat naman ay wala ring masabi kung sino ang tinutukoy na young actress. Narinig pala iyon na blind item nina Arnold Clavio at Mike Enriquez sa radio program nila at inisip na ng fans na si Alden ang tinutukoy dahil sa description nila. Kaya para malinawan ang lahat, tinext namin si Arnold at sinabing masama ang loob ng AlDub Nation sa kanya dahil sinisiraan si Alden, samantalang ‘tatay’ ang tawag sa kanya ng actor. Bakit kapwa pa raw Kapuso ang sisira kay Alden?

Mabilis namang nagpadala ng statement si Arnold: “Hindi po si Alden o si Maine ang mga pinapahulaan ko sa “SINO” segment sa programa namin ni Mike Enriquez sa DZ DOBOL B. Bilang Kapuso stars at mga host ng Eat Bulaga, may respeto po ako at di kailanman sisiraan o gagawan ng istorya. Nilinaw na namin ni Mike noong oras ding iyon na hindi ang dalawa ang personalidad sa aming blind item.”

So abswelto na si Alden at malinaw na rin sa AlDub Nation.

Sunshine inaaligaga ang sarili sa trabaho

Very busy na si Sunshine Dizon sa pagti-taping ng requel ng Encantadia kaya kahit paano ay nababawasan ang kanyang problema. Nag-post si Sunshine sa kanyang Instagram account na mahirap iwanan ang kanyang mga anak sa ganitong panahon pero ipinagpapasalamat niya na nariyan ang kanyang mommy para siyang mag-alaga kina Doreen at Anton. Mahirap daw maging ina pero kailangan niyang lumaban para maitaguyod ang kanyang mga anak.

“Mama will always love and protect. I will give my all to give you the best life possible. I miss you my loves.”

Ipinagpasalamat nga ni Sunshine na sa apat na original Sang’gre ng Encantadia ay siya lamang ang nakuha para sa requel, kahit hindi na siya isa man sa mga Sang’gre.

Inilikha siya ng bagong character. Nakatakda nang ipalabas ang Encantadia 2016 sa susunod na buwan, sa direksyon pa rin ni Mark Reyes.

Kylie noon pa pinaghandaan ang Sang’gre

Narito na kaya sa bansa si Robin Padilla, kapag ipinalabas ng GMA 7 ang requel ng Encantadia next month? Tiyak na ipagmamalaki ni Robin ang anak na si Kylie Padilla na gaganap bilang si Sang’gre Amihan. Multi-talented si Kylie dahil kaya niyang gampanan kahit ano’ng role na ibigay sa kanya. Dahil bukod sa acting, mahusay din siyang kumanta, sumayaw at magdrama. Pero hindi ikinakaila ni Kylie na gusto niyang makagawa ng isang action project. Kaya nang tawagin siya para mag-audition sa Encantadia ay pinagbuti niya ang pag-deliver ng fight scenes. At nakatulong nang malaki sa kanya ang kaalaman niya sa arnis na maliit pa lamang siya ay paborito na niyang laruin.

“Siguro character-wise, hindi na nawawala si Amihan sa utak ko,” sabi ni Kylie.

“Feeling ko nga since bata pa lamang ako pinaghahandaan ko na ito, ‘yung training na ginawa ko simula pa noon, ito na yun.”

Kasamang gaganap na Sang’gre ni Kylie sina Gabbi Garcia as Alena, Sanya Lopez as Danaya at Glaiza de Castro as Pirena. Kasama rin sa cast sina Ding­dong Dantes as Haring Raquim, Marian Rivera as Minea Ynang Reyna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with