^

Pang Movies

Enchong hindi inililihim ang kayamanan!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Walang narinig na pumalag mula sa mga kaibigan ni Enchong Dee na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz kahit matapos sabihin ng chinito actor na mas mayaman siya sa kanyang best­friends sa interview nito sa Tonight with Abunda kamakailan.

Aminado naman si Enchong na kaya siya mayaman bukod sa kanyang mga negosyo ay kilala rin siyang kuripot sa tunay na buhay.

Bakit hindi nga naman ‘di yayaman si Enchong ay sampung taon na siyang artista. Marami na sa mga kasabayan ni Enchong ang nawala na sa eksena pero siya, nanatiling stable ang career. Kaya wala sa bokabularyo ni Enchong ang magreklamo at nagpapasalamat ito sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Sa pagdiriwang ni Enchong sa ika-10th anniversary ay may handog itong bagong album na pinamagatang Enchong Dee Moves na release ng Star Music.

Sa kanyang album ay muling magpapakitang gilas si Enchong ng sing and dance. Hindi man kasali sa album ang utol niyang si AJ Dee, ang cute ng isang picture na magkasama ang dalawa kung saan nag-asikaso ang kuya ni Enchong sa pananamit ng kapatid sa music video nila ni Maja Salvador.

Request din ng fans ni Enchong na gumawa rin sila ng sexy music video ni Kiray Celis na bago nitong ka-loveteam sa pelikulang I Love You to Death under Regal Films.

Kaya rin ni Kiray ang magpa-sexy tulad ng ginawa nina Maja at Enchong na twerk. Comment ng fans ni Enchong na puwedeng gawing theme song ng kanilang movie sa July ang isa sa single niyang #DiKoAlam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with