^

Pang Movies

Sunshine naliligalig sa party drugs

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-share sa kanyang social media account ang aktres na si Sunshine Cruz ng isang picture na akala mo ay mga candy pero mga tableta pala ng ecstasy, ang party drug na sinasabing pumatay sa limang naki-join sa Forever Summer concert noong isang linggo sa Pasay City. Bukod sa mga namatay ay may iba pang nadala sa ospital at ang sabi ng NBI, hindi lang sila nagkaroon ng massive heart attack kundi parang sumabog din ang iba pang internal organs.

Sa description ng NBI, ang namamatay sa sakit sa puso ay kulay brown halos ang puso at ang iba naman ay kulay itim na.

Ganoon pala katindi ang epekto ng ecstasy. Ang sigarilyo na sinasabing nagdudulot ng cancer at hindi naman makakamatay instantly, kailangang maglagay sa kanilang kaha ng pictures na nakakadiri para iwasan ng mga tao. Ang ecstasy, aba eh madali palang mabili kung saan may mga rave parties, rock concerts at ilang bars na dinarayo ng mga mayayaman.

Natural lang para sa isang magulang na kagaya ni Sunshine Cruz na maalarma lalo na at mga babae ang kanyang anak.

Una, ang ecstasy ay tinatawag ding “rape drugs” dahil ang nakakainom ng tableta ay maaaring mawalan ng malay, at hindi na nila nalalaman kung ano man ang mangyari sa kanila. Kaya marami ang nagiging biktima ng rape.

Hindi lang babae ang nare-rape. May narinig din kaming kuwento ng isang poging male model na binigyan ng ecstasy ng isang kilalang gay, at matapos iyon ay natangay niya ang male model na nawala sa sarili at napagsamantalahan.

Talagang dapat magkaroon na ng mahigpit na kampanya laban sa ecstasy, green apple at iba pang party drugs. Bantayang mabuti ang rave parties at rock concerts. Bantayan ding mabuti ang mga club at bar lalo na ang para sa mga mayayaman. Delikado na iyan. Marami na ang namamatay.

MTRCB chief rumampa sa malalaswang sinehan

Matapos ang ilang taon din sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kasama ang ilang members nila, gumawa ng inspeksiyon sa ilang sinehan sa Recto si MTRCB Chairman Toto Villareal. Sinita niya ang mga poster ng indie sex films na nakalantad sa kalye. Sinita rin niya ang diumano’y condemned na kalagayan ng isang sinehan. Mabuti at hindi niya nakita ang mga milagrong nangyayari sa mga sinehang iyan na naglalabas ng mga lumang sex films.

Bakit kailangang ang MTRCB chairman pa ang gumawa nito? Nasaan ang ilang libong deputies nila na siyang may katungkulang gumawa ng mga reports tungkol dito? Kung hindi sila nagre-report, aba eh palpak ang kanilang ginawang deputies. Baka nanonood lang iyan ng libre sa mga malalaking sinehan at nagpapasarap sa buhay.

At saka bakit kaya ngayon lang, kung kailan pa­pa­sok na ang administrasyon ni President elect Rod­rigo Duterte at saka nag-inspeksiyon ang Aqui­no appointed MTRCB officials? Kung kailan matatapos na ang termino nila at saka sila gumawa ng inspeksiyon. Noong mga nakakaraang buwan, ma­rami silang mga member na walang ginawa kun­di magkampanya para sa mga kandidato ng ad­­ministrasyon sa kanilang mga social media accounts at manira ng mga kalaban.

Hindi matutuwa si Wendell Alvarez sa aksiyong iyan ng MTRCB. Huli na eh. Kung kailan 33 days na lang ang natitira sa kanila at saka pa sila gagawa ng ganyang inspection. Sana noon pa. Noon pa naman ang mga violation na iyan eh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with