^

Pang Movies

Alden at Maine balik sa dating gawi!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kung umalis na sa Italy kahapon, May 26 sina Alden Richards at Maine Mendoza, pabalik ng Pilipinas, maaaring narito na sila ngayon.  Pero kahapon, sa pagsi-celebrate ng dalawang lola sa kalyeserye ng Eat Bulaga ng 44th weeksary ng mga apo, muli silang nagpadala ng video na nagkakasayahan silang lahat sa set, dahil last May 25, natapos na nila ang shooting doon. 

Nakakatawa lamang na kung tawagin ng mga fans ay mga Rogelio ang mga bodyguard nina Maine at Alden, hindi pala sila basta-basta.  Mga unit manager at mga production assistants pala sila na kinuha nina Mr. Tony Tuviera at Direk Mike Tuviera na tumulong sa APT Entertainment, Inc. habang nagsu-shooting sila roon. At the same time, tumutulong sila sa production para sa crowd control at pangangalaga sa safety ng cast ng movie. 

Gardo enjoy sa pagiging tatay at marriage counselor

Welcome pala kay Gardo Versoza ang dalawang comedy series na ginagawa niya ngayon sa GMA 7. Breather daw sa kanya, pagkatapos ng mga drama series na ginawa niya ang Juan Happy Love Story nina Dennis Trillo at Heart Evangelista at ang bagong sitcom na A1 Ko Sa ‘Yo na pagtatambalan nila ng Cannes Film Festival best actress na si Jaclyn Jose.  Magkaiba raw naman kasi ang character na ginagampanan niya, sa una, siya ang understanding tatay ni Happy (Heart) pero hindi siya papayag na apihin ito ni Juan (Dennis)

Sa A1 naman isa siyang marriage counselor pero hindi niya maibigay ang romantic desire sa kanya ng asawang si Digna (Jaclyn) na lagi niyang iniiwan kapag kinukulit siya nito. 

Ending, ang mga babaeng nasa kanyang A1 agency ang pinagbabalingan niya ng galit, sina Solenn Heussaff, Gee Canlas, Mara Alberto at ang special guest nila sa pilot telecast, si Lovi Poe.  Sa Thursday, June 2 na mapapanood ang A1 pagkatapos ng Juan Happy Love Story.

Janine ipinaubaya na ang ina sa ibang lalaki

Hindi itinago ni Janine Gutierrez nang mag-guest sa Yan Ang Morning ni Marian Rivera, kasama ang inang si Lotlot de Leon, na nag-alangan sila ng kanyang mga kapatid nang magkaroon ng boyfriend ang kanilang ina. Pero nang makilala na raw nila ang guy, napanatag na rin ang loob nila dahil, mabait at maalaga ito sa kanilang mommy.  Sigurado na rin daw sila na may nagbabantay sa ina, lalo pa at living independently na rin siya sa kanyang pamilya.  Napapanood si Janine sa primetime drama na Once Again.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with