^

Pang Movies

Ma’ Rosa nanganganib matulad sa Thy Womb ni Nora!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“So tama pala ang MMFF,” sabi ng isang kritikong kausap namin noong isang gabi. Kasi diyan sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang unang consideration nila ng pelikulang maisasali ay iyong commercial viability ng isang pelikula.

Ang paniwala nila, ang mga sinehan ay partner ng industriya ng pelikula at hindi naman sila dapat nalulugi, lalo na nga sa panahon ng festival na sinasabing siyang pinakamalakas na playdate sa buong taon.

Iyan kasing MMFF ay madalas na nababanatan, dahil nagsimula ang festival bilang showcase ng mahuhusay na pelikulang Pilipino.

Lately ang mga pelikulang puwedeng damputin ng mga truck ng Leonel at Ren, nakakasali na rin basta kikita. Pero wala naman silang pretentions. Sinasabi naman nila na iyang MMFF ay isa na ngang trade festival. Ibig sabihin kailangan kumikita.

Kung iisipin mo naman, may punto sila eh. Kung gagawa ka ng isang pelikula, kagaya nga niyang mga indie na nananalo ng awards sa abroad, tapos basta naman inilabas sa mga sinehan sa atin ay nilalangaw, magpapatuloy pa kaya ang industriya ng pelikulang Pilipino?

Nagbibigay naman sila ng pagkakataon eh. Kagaya nga noong ipinasok nila iyong Thy Womb ni Nora Aunor. Kailangan lang nilang alisin agad sa sinehan dahil sayang naman, walang nanonood. Iyong ibang pelikula, kailangan ng mas maraming sinehan dahil hindi na makapasok ang mga taong gustong manood. Iyong pelikula naman ni Nora, halos maghapon walang pumapasok, natural babawasan nila ng mga sinehan.

Ngayon nakikiusap ang Cannes Film Festival best actress na si Jaclyn Jose, na sana naman panoorin ng mga Pilipino ang kanilang ginawang pelikulang Ma’ Rosa. Aywan namin kung pakikinggan siya. Gumagawa kasi sila ng mga pelikulang pansali sa festivals sa abroad, hindi para sa mga manonood ng pelikulang Pilipino.

Hindi na lang asikasuhin ang mga anak Karla hindi na bagay sa loveteam-loveteam!

Noong isang araw, napuyat yata kami sa panonood noong presscon ni incoming President Digong Duterte na umabot ng alas-dos ng madaling araw. Nang magmulat kami ng mata, bukas pa ang aming TV at ang palabas ay isang morning show.

Doon sa show, kinikilig sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, dahil inirereto nila si Karla Estrada doon sa tatay ni Coleen Garcia. Sumasakay naman si Karla sa panunukso.

Kaya lang ang tingin namin, inuulit namin ha, opinion lang namin ito, parang hindi naman yata bagay iyon na inirereto pa si Karla sa tatay ni Coleen. Parang wala sa ayos, lalo na’t kung iisipin na may mga anak silang celebrities. Kasi para bang mas nabibigyan pa ng pansin ang failed love life ni Karla, na alam naman nating nagkaroon na ng ilang relasyon in the past, na nagbunga pa nga ng kanyang mga anak, tapos ngayon inirereto mo na naman nang ganyan? Parang hindi na maganda.

At si Karla, tutal naman maganda na ang buhay niya ngayon, dapat ay i-encourage na ngang gabayan na lang niya ang buhay ng kanyang mga anak. Ang mga bata, lalo na nga at hindi kumpleto ang kanilang mga magulang, mas kailangan ng dobleng atensiyon. Iyon na lang ang pagbuhusan niya ng panahon. ‘Wag na siyang ‘makipaglandian’ sa ere. Saka ‘di ba umamin siya noon na meron siyang karelasyon na maraming tattoo sa katawan?

Kung gagawa tayo ng love team, siguruhin na­ting “dapat tama”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with