^

Pang Movies

Coleen mas natakot sa direktor kesa kay Dawn

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kabado man ay hindi nagpapahalata si Coleen Garcia sa eksena nila ni Dawn Zulueta sa pelikulang Love Me Tomorrow ng Star Cinema.

Parang hindi makapaniwala si Coleen na isang respetadong veteran actress ang tatarayan niya sa eksena at may confrontation scene pa silang dalawa. Naisip ni Coleen na kung magpapadaig siya sa takot ay baka masigawan naman siya ng director.

Hindi rin makalimutan ng dalaga ang box-office movie idol na si Piolo Pascual ang ka-love scene niya. Nakakaloka raw talaga, lahat nga naman ay pinag-iinteresang makasama si Piolo.

Malaking threat si Coleen sa kapwa niya Kapamilya stars na kayang-kaya niyang talbugan.

Rita Avila pinasalamatan ng mga nanay

Nagpapasalamat ang mga nanay na nakausap namin sa actress na si Rita Avila.

Puring-puri nila ang librong isinulat ni Rita, Ang Hindi Nakikitang Pakpak Book Two na nabibili na sa mga bookstore.

Dahil sa librong isinulat ng aktres ay nagka-interest daw ang mga anak nila sa pagbabasa na dati ay pulos computer ang inaasikaso.

Ayon sa mga nanay, ayaw nilang maadik ang mga anak nila sa computer dahil nakakalabo ng mata, isa pa ang mga istoryang napapanood dito ay pulos bayolente ang mga pag-uusap.

Subalit sa libro ni Rita ang mga bidang sina Mimay Popoy at Pony ay mga bata talaga na may iba’t ibang karanasan sa pag-aaral sa iskwelahan.

Maganda rin daw ang pagguhit ni Jean Karla Medina na pambata talaga at may moral lesson sa istorya unlike sa mga cartoon sa computer pulos imposible ang napapanood,  sana raw ay magbalik ang interest sa pagbabasa ng mga libro ang mga bata sa school.

Samantala, sa teleseryeng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA 7 ay unti-unting tumitindi ang istorya. Makatulong kaya kay Bea Binene ang lucky charm na taglay ni Rita kahit hindi siya ang nanay nito sa istorya?

Personal…

Birthday greetings to Alma Moreno (May 25), Barbara Milano (May 27), and Zsa Zsa Padilla (May 29).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with