^

Pang Movies

Kathryn at Daniel inililihim pa rin ang halikan sa pelikulang ginagawa

- Vinia Vivar - Pang-masa
Kathryn at Daniel inililihim pa rin ang halikan sa pelikulang ginagawa

Nagsimula nang gumiling ang camera para sa pelikula ng KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) under Star Cinema na idinidirihe ni Olivian “Inang” Lamasan.

Sa first shooting day na ginanap sa EDSA at kwento ni Daniel sa kanyang panayam sa ABS-CBN, siyempre ay medyo intimidated pa sila working with Inang pero sobrang excited daw sila.

Para sa mahahalagang eksena ay nakatakda pang pumunta ang dalawa sa Spain next month at ngayon pa lang ay looking forward na sila sa trip.

Ito ang first movie na isu-shoot abroad ng KathNiel at ipinagmamalaki nila ngayon pa lang ang story ng pelikula dahil napakaganda raw talaga at dapat mapanood ng mga tao especially ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa naturang pelikula ay mas mature na ang roles na gagampanan ng dalawa kaya marami ang nagtatanong kung dito ba masasaksihan ang first real kissing scene ng KathNiel. Pero siyempre, hindi pa pwedeng sabihin kaya abangan na lang daw.

Pero ayaw mag-bed rest Mariel sa Amerika manganganak

Talagang hinintay pala muna nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla na matapos ang first trimester ng pagbubuntis ng una bago nila ito inanunsyo dahil siyempre, gusto nilang masigurado muna talagang mabuti na safe na ang baby.

“Syempre, hinintay ko muna talaga na maging safe na kasi ‘di ba, sabi nila, kailangan mong hintayin ang first trimester na malampasan. So, nung malampasan ko naman ‘yun, sinabi ko naman kaagad. Ako pa? Sobra ko kayang gustong i-share talaga, sobra akong proud, sobra akong happy,” say ni Mariel sa isang TV interview.

May pinagpilian na nga raw silang pangalan ngayon pa lang.

“If it’s a girl, he wants it to name after me, Maria, kasi Maria ako talaga, and then if it’s a boy, I will name him after him (Binoe) also,” sey pa ni Mariel.

Sa US daw siya nakatakdang manganak pero hanggang kaya pa raw niya ay hindi naman siya aalis sa It’s Showtime dahil sabi nga ni Binoe, masyado raw masaya ang asawa doing the show.

Medyo maselan pa rin ang pagbubuntis ngayon ni Mariel dahil mayroon daw siyang gestational diabetis at dapat daw nga talaga ay naka-complete bed rest siya.

Pero si Binoe na rin ang may sabi na hindi siya dapat tumigil sa pare-report sa It’s Showtime dahil hindi naman daw ito nakapagbibigay ng stress sa misis.

Shaina makakaribal ni Kim kay Xian

Kinumpirma ni Shaina Magdayao na join na siya sa cast ng The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram account last Tuesday with matching pictures sa taping.

Ayon sa post ni Shaina, ang name ng character niya ay Lucia Cristobal. “Sa ngayon, ang masasabi ko pa lang is kulot siya”.

Saad pa ng aktres, nag-yes daw siya kaagad sa show dahil gusto niyang makakatrabaho ulit si Direk Cathy Garcia-Molina na isa sa direktor ng show. Huli raw niyang nakatrabaho ang direktora sa Four Sisters.

Ang dami na agad natuwang followers ni Shaina sa kanyang post at nangakong papanoorin siya sa nasabing serye.

Na-excite na agad sila kung ano ang magiging role ng aktres at kung magiging karibal daw kaya ni Kim kay Xian.

Well, abangan.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

HUMAN RIGHTS

JUSTIN TRUDEAU

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with