^

Pang Movies

Mga kabataan kilalang parokyano na ng drugs sa mga rave party

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natawag ang aming pansin ng social media post ng aktres na si Alma Concepcion. Sa nasabing post, ikinuwento niya na naroroon siya mismo sa Close Up Forever Summer Rave Party na ginawa sa Pasay noong isang araw. Ikinuwento niya na sa harapan nila mismo, may isang grupo ng mga kabataan na nagsasayawan nang walang puknat, at makalipas ang isang oras, hinimatay ang isang babae at itinakbo nga sa mga medics. Kaya raw nagulat siya at nagdasal na sana hindi naman iyong teenager na nakita niya ang isa sa mga namatay sa concert na iyon.

Kung hindi nga iyong babaeng nakita ni Alma ang isa sa mga yumao, ibig sabihin marami ang nag-collapse.

May isa pang sinabi si Alma. Bumili rin sila ng alak sa isang booth. Binanggit pa niya ang presyo, 250 pesos ang dalawang baso. Uminom din sila at wala namang nangyari. Ibig sabihin malinis ang nabili nilang alak. Sinabi rin niyang walang ipinamimigay na libreng drinks, kaya malabo iyong sinasabing maaaring hinaluan ng kung ano ang “ibinigay” sa kanilang drinks.

May isa pang report, na doon mismo sa venue, marami raw talagang pushers na may dalang droga. Madali lang kasing itago iyan eh, lalo na iyong ecstasy. Maliliit na tableta lamang iyan.

Mayroon pang isang social media post na nagsasabing sana umamin na ang mga tao roon na may droga nga, at umamin na sana sila na maaaring iyon ang nakaapekto sa iba sa kanila. Dahil kung itatago nga naman ang mga ganoong pangyayari, aba eh binibigyan pa natin ng proteksiyon iyang mga nagkakalat ng droga, at marami pang buhay ang mapipinsala niyan.

Hindi na bago iyan sa mga rave party. Kung natatandaan ninyo, may pagkakataon pa ngang may nahuling isang male star sa isang rock concert sa Angeles City sa Pampanga. Pero wala nga yatang nangyari, ni hindi yata na-rehab. Habang itinatago natin ang mga ganyang bagay, lalong maraming mga kabataang magugumon sa droga. Kailangan mahigpit talaga ang seguridad sa mga ganyang concerts o rave parties.

Panalo ni Jake, sapaw ni Jaclyn

Nanalo rin palang Best Actor sa isang 2016 World Cinema Festival sa Brazil si Jake Cuenca. Pero hindi nga iyan masyadong napapansin dahil sa panalo ni Jaclyn Jose bilang best actress sa Cannes Film Festival. Pero kagaya rin ng sinabi namin sa panalo ni Jaclyn, iyon kayang panalong iyon ni Jake ay makatutulong para ang mga pelikulang gagawin niya ay panoorin ng mas maraming tao? Iyon kayang pelikula niyang nagpanalo sa kanya ay magiging hit oras na ipalabas sa Pilipinas?

Natatandaan namin ang madalas na pangaral noon ng mahusay na actor at batikan ding director ng pelikula na si Leroy Salvador. Ang sabi niya, “ang hinahanap ng nanonood ng pelikula ay iyong kuwento. Basta nahirapan silang intindihin ang kuwento ng pelikula, mana­nalo iyan ng award pero hindi kikita”.

Ngayon timbangin natin. Ito ang panahon na maraming mga artista natin ang nanalo, o sabihin na nating naghahakot ng mga award sa mga film festival sa abroad. Pero ito ang panahong sinasabi rin nating bagsak ang industriya sa ating bansa. Nananalo nga ng awards, nganga naman sa takilya.

Kung ganyan namang madalas sa hindi ay lugi, sino nga ba ang mamumuhunan? Kaya nga iyang mga indie film, sa bawat pelikulang gawin may ibang financier eh. Kasi iyong mga naunang namuhunan hindi na umuulit dahil hindi bumabalik ang pera nila. Napatunayan na nating mana­nanalo tayo ng award. Patunayan naman nating kaya nating kumita.

vuukle comment

SEN. FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with