^

Pang Movies

Lovenest nina Heart at Sen. Chiz hindi pa matapos-tapos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pa pala tapos ang bahay na ipinagagawa ni Heart Evangelista sa New Manila, Quezon City.

Sa estimate ni Heart, matatapos ang construction ng bahay sa last quarter ng 2016.

Excited na si Heart na lumipat sa kanyang dream house na magiging lovenest nila ni Senator Chiz Escudero.

Malapit ang bahay na ipinagagawa ni Heart sa bahay na ipinatatayo ni Butch Francisco pero mukhang mauuna ito na matapos.

James nakapagpundar na rin ng bagong bahay

Tulad nina Heart at Butch, may bagong bahay si James Reid sa isang exclusive village sa Quezon City.

Hindi ako sigurado kung nakalipat na si James sa bahay na naipundar niya sa tulong ng kanyang mother studio, ang Viva Films.

Makakasama ni James sa bahay niya ang kanyang ama at mga kapatid. Very close sa pamilya ang lead actor ng This Time. Mabuting anak at kapatid si James kaya sunud-sunod ang pagdating sa kanya ng suwerte.

AiAi wala sa last episode ng CelebriTV

Nag-taping kami kahapon ng last episode ng Cele­briTV at mapapanood ito sa May 21.

Wala sa taping si AiAi delas Alas dahil lumipad ito sa ibang bansa. Hindi na puwedeng i-postpone ang biyahe ni AiAi dahil matagal nang nakaplano ito. Kapag nakansela pa ang out-of-the country trip niya, maaapektuhan ang shooting ng Our Mighty Yaya na hindi puwedeng mangyari dahil showing na ito sa mga sinehan sa June 8.

Hindi ko alam kung kailan babalik si AiAi pero malamang na hindi na siya makaboto sa Lunes.

Kasama ni AiAi sa biyahe ang boyfriend niya na si Gerald Sibayan na very supportive sa kanya.

Kris damay na sa dismaya ng mga tao sa gobyerno ni P-Noy

Goodbye Philippines din si Kris Aquino sa Lunes dahil pupunta sila ng kanyang mga anak sa ibang bansa.

Hindi sinabi ni Kris ang lugar na pupuntahan nila pero may mga hula na babalik sila sa Hawaii.

Mula nang mag-babu siya sa KrisTV, bihira nang mapanood si Kris sa telebisyon at hindi na rin masyadong pinag-uusapan ang kanyang mga pasabog. Matalinong babae si Kris kaya sure na alam nito kung sikat pa rin siya o mahina na ang kanyang hatak sa fans.

Sa true lang, nadamay rin si Kris sa disappointment ng madlang-bayan sa pamumuno ng kanyang kapatid na si P-Noy. Maganda man ang kanilang mga sinasabi, pangit pa rin sa pandinig ng mga tao na pinaiiral ang hatred at pagkadismaya na epekto ng overacting na trapik sa Edsa,  ang kapalpakan sa MRT at marami pang iba.

Derek mas gumuwapo nang magpatubo ng buhok

Iisa ang opinyon ng mga nakapanood ng My Candidate, malaki ang chance ni Derek Ramsay na manalo ng acting award dahil sa performance niya sa post-election movie ng Quantum Films.

Si Derek ang lead actor ng My Candidate at leading ladies niya sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Ang sey ng mga reporter na dumalo sa special preview ng My Candidate, tailor-made para kay Derek ang role ni Congressman Sonny Suarez.

Nasanay tayo sa skin head hairstyle ni Derek pero nagpatubo siya ng buhok para sa karakter niya sa pelikula at lalong tumingkad ang kanyang kaguwapuhan.

Hindi raw masasayang ang datung ng mga nagbabalak na panoorin ang My Candidate dahil feel good movie ito kaya naka­ngiti sila na lalabas ng sinehan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with