^

Pang Movies

Ritz nakuha na rin si Paulo!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Isa na naman dream ni Ritz Azul ang tinupad ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN nang ibigay sa kanyang leading man si Paulo Avelino sa bagong seryeng The Promise of Forever.

Aminado naman ang young actress na noong lumipat siya sa Kapamiya network, sina Paulo and Coco Martin ang nabanggit niyang ilan sa gusto niyang makatrabaho.

Natupad na si Coco dahil isinama siya agad sa Ang Probinsyano at ngayon ay si Paulo naman kaya masayang masaya si Ritz.

Para sa bagong serye ay hindi lang si Paulo ang leading man niya kundi pati na rin si Ejay Falcon at parehong excited ang dalawang aktor na makatrabaho ang bagong Kapamilya.

Ano naman ang reaksyon ni Pau na hinahangaan siya ni Ritz at gustong maka­trabaho.

“‘Yun nga, noong unang beses na sinabi sa akin na gusto raw akong makatrabaho ni BB. Ritz, actually, parang tinanong ko, “ha? Sigurado ba siya na ako?” Ang daming mahuhusay at mas magagaling kaysa sa akin dito sa ABS-CBN pero isa ako sa mga napili niyang makatrabaho, so natuwa ako.”

Ayon pa kay Pau, naiintindihan niya ang nararamdaman ngayon ni Ritz bilang pinagdaanan din daw niya ito noong bagong lipat siya.

“Parang similar ‘yung situation namin, lumipat din kami ng ABS-CBN, and naintindihan ko ‘yung pressure and kaba na nararamdaman niya lalo ngayong magpa-pilot kaming tatlo ng isang teleserye.”

Malapit nang simulan ng tatlo ang The Promise of Forever at ayon nga sa dalawang direktor na sina Darnelm Villaflor at Hannah Espia, this is something different at napakaganda ng kwento.

Heart sinakay sa jeep at dinala sa mamihan kaya na-in love sa asawa

Kaya naman pala sobrang na-in love si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero ay dahil ginamit ng beteranong mambabatas ang “sweet lover” style ng mga tsuper upang paibigin ang magandang aktres.

Kwento ni Chiz sa mga tsuper na miyembro ng “Stop and Go Coalition” noong Mayo 1, umarkila daw siya ng jeep upang ipasyal si Heart sa UP sun­ken garden para sa kanilang unang date ng aktres.

‘Yun daw ang unang beses na nakasakay si Heart sa paboritong sasakyan ng masang Pilipino.

“Pagkatapos no’n, sanay siya sa mga magagarbong restaurant, ‘di ba? Kumain kami sa Kowloon ng lumpiang shanghai diyan sa may West Avenue (QC),” kwento ni Chiz.

“Siguro ‘yun ang rason kung bakit nagustuhan ako kasi walang nagdala sa kanya sa mga lugar na ‘yon. Ako pa lang ang nagdala sa kanya sa ganoong lugar,” natatawang dagdag pa ng senador.

Ito ang dahilan kung bakit malapit daw si Chiz sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon at ganoon din naman ang mga tsuper sa kanya.

Sa katunayan inendorso pa siya ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) at ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) na may pinagsamang 2.4 milyong miyembro sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with