^

Pang Movies

Heart itotodo na ang paggawa ng anak pagkatapos ng May 9

- Vinia Vivar - Pang-masa

One week bago ang eleksyon ay nangako na si Sen. Chiz Escudero sa kanyang misis na si Heart Evangelista na babawi siya dito after ng halalan.

Talaga naman kasing napaka-busy ng mag-asawa dahil halos walang pahinga everyday ang mga ito dahil tuluy-tuloy ang pag-iikot para mangampanya.

Kahit nga si Heart, na abala rin sa kanyang bagong serye na Juan Happy Love Story with Dennis Trillo na ipapalabas na sa May 16, ay pilit pinagkakasya sa schedule ang tapings at campaign sorties.

Sobrang na-appreciate naman daw ito ni Sen. Chiz kaya nga sumulat ito sa kayang wifey at nangakong mas magiging sweet pa kay Heart sa mga darating na araw.

“I, Chiz Escudero, promise to be sweeter, gentler, touchier and more loving to my wife Heart than I have ever been before in my life. So help me God,” ika ng sulat ng senador sa asawa na ipinost naman ni Heart sa kanyang Instagram account.

“Few more days, Babe. I’ll just have to miss you a bit more,” ika naman ng aktres sa caption ng IG post.

Kwento pa ni Heart sa isang interview nang bumista siya sa Bicol, updated naman daw sila sa mga nangyayari sa isa’t isa.

“Siyempre, miss na miss namin ang isa’t isa, minsan nagpapadala kami ng picture kung nasaan na kami,” say ni Heart.

Iniiwasan na nga lang daw ni Heart na maging clingy sa asawa at iniintindi niyang busy talaga ito at kailangang mag-focus sa campaign.

“Hindi na nagpapahinga kaya minsan, ayaw ko na rin siya bigyan ng pressure na tatawagan ko siya. Sinusuportahan ko na lang na kailangang maging busy siya. Basta pagdating sa bahay doon kami nagkukwentuhan kung ano na ang mga nagawa namin,” share pa ng aktres.

Ang malaking tanong, magkaka-baby na kaya finally ang mag-asawa after ng eleksyon?

Ogie all out na para sa May 9

All out ang suporta ni Ogie Alcasid sa kaibigang si Sen. Grace Poe na tumatakbong pangulo ng bansa. Sa katunayan, may ginawa pa siyang campaign song na kinanta ni Ogie sa taunang fireworks display sa Marikina City na dinaluhan ng senadora at mga kandidato ng Partido Galing at Puso.

“Pilipinas panahon na naman. Upang piliin ang pinuno ng bayan. Sari-saring opinyon sa kung paano, ano at sino. Walang ibang dapat kumilos kundi tayo,” sey ng lyrics ng makabagbag-damdaming awitin.

“Tayo lahat ay magsama-sama. Salubungin natin ang magandang bukas. At sa pagsulong ng bayan siya’y maasahaan. Tunay na Pilipino Grace Poe. Gobyerno na may puso, Grace Poe,” nakasaad sa chorus ng kanta ng mister ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na all out din ang suporta kay Grace.

 “Kaya po ako naririto upang magbigay tulong sa aking kaibigan na si Grace. Kung kayo po ay hindi pa nakakapag-desisyon kung sinong iboboto, tutulungan ko po kayo na mag-desisyon. Sa Mayo 9, sino iboboto ninyo?,” sigaw na tanong ni Ogie sa mga taga-Marikina na sinagot naman ng “Grace Poe!.”

Matatandaang nagbitiw si Ogie bilang commissioner ng People Power Commission kamakailan para maipakita ang suporta kay GP.

Maalala ring sinabi ni Ogie na matagal nilang pinag-isipan kung sino ang iboboto. At wala raw itong katapat na bayad.

Mikoy nagawang manalo sa depression

Aminado ang Kapuso singer/actor na si Mikoy Morales na for the last two years of his life ay dumaan siya sa clinical depression.

“I was clinically depressed,” he said nang makapanayam namin siya sa launching ng kanyang bagong single na Ang Pusong Hindi Makatulog.

Maraming dahilan daw kung bakit siya dumaan sa depresyon at kasama na rito ang frustrations sa career.

“A lot of things, maybe, frustrations sa career, maybe career, personal life, marami, sobrang dami na naipon, nagpatung-patong to the point na I felt at some point, na sa kahit anong aspeto ng buhay ko wala akong silbi.”

Matatandaang nagsimula si Mikoy bilang contestant sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ng GMA 7 in 2012 and landed as one of the TOP 6 finalists and emerged as one of the runner-ups sa grand finals.

Kasama sa depression ni Mikoy ay hindi gaanong sumipa ang kanyang career both in singing and acting to the point na sinisisi niya ang kanyang sarili.

It took a while rin daw para ma-realize niya na kaya ganu’n ang thinking niya ay dahil nga dumadaan na pala siya sa depresyon.

“Depression kasi is overrated. Like malungkot ka lang, sasabihin mo na, depressed ka na. It’s not depression. Depression is not being sad all the time but it’s losing the will, ‘yung wala ka nang drive or ganang bumangon sa umaga.

“And then, ‘yung perspective mo, mag-iiba rin, eh. Na kahit maayos ‘yung nangyayari sa ‘yo, ang nakikita mo, ‘yung hindi magagandang bagay.”

Hindi na raw niya ginawang magpa-check-up dahil mas pinili na lang niyang i-solve niya by himself and luckily, gradually ay naging okay na rin naman daw siya at eto nga ngayon, excited na to work again.

Habang dumadaan siya sa depresyon ay pinili niyang maging productive at gumawa na lang daw siya nang gumawa ng kanta at kasama na nga rito itong Ang Pusong Hindi Makatulog na natatawa nga niyang sabi na “hugot” daw talaga.

“Finally, nahanap ko na talaga ‘yung sound ko personally as an artist, kung ano ‘yung genre ko, kung ano ‘yung gusto kong music. Ngayong confident na ako na nahanap ko na, ngayong lang ako nagsisimulang i-introduce ‘yun at iparinig sa mga tao,” he said.

Pop ballad daw ang music niya dahil ito ang kumportable niyang i-perform and kung saan siya talaga parang at home na at home.

Si Mikoy ang nag-compose, nag-arrage at nag-produce ng Ang Pusong Hindi Makatulog at ito raw ang first composition na siya rin ang kumanta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with