^

Pang Movies

Alden nakalipat na sa bagong mansyon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-invest na si Pambansang Bae Alden Richards ng kanyang mga pinaghirapan sa pagtatrabaho more than five years ago. 

Noong Linggo, April 24, finally ay nakalipat na sila sa bagong bahay na ipinatayo niya para sa kanyang pamilya.  Situated ito sa isang exclusive subdivision sa Sta. Rosa, Laguna, na may five-bedrooms.

Today, April 29, opening na ng first investment ni Alden, ang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay City.  Nag-franchise si Alden sa Concha’s Garden na dinarayo ng mahihilig sa Filipino dishes sa Silang, Cavite. Friend ni Alden at kapitbahay niya sa Sta. Rosa, Laguna ang may-ari ng Concha’s na sabi ay sister-in-law ng broadcaster na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo. Darating naman ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza to grace the affair. Congratulations, Alden!

Back to busy schedule si Alden, dahil marami pa rin offer na shows in Metro Manila and provinces. Bukas, after ng special birthday celebration ni Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga, diretso na si Alden sa Bacolod for a show.

At sa Sunday, May 1, muli silang magkasama ni Maine sa isang meet and greet ng isang kind of biscuits na ini-endorse nila, sa activity center ng Glorietta 4 in Makati City. Tamang-tama naman na taped na ang Sunday PinaSaya dahil gamit na ng GMA Network ang kanilang mga studio para sa special coverage ng coming national elections sa May 9.

Aarestuhin na?! Willie pinahinto muna sa taping ng GMA 7

Iyon din ang reason kaya stop muna ang taping ng Wowowin hosted by Willie Revillame, bukod pa sa balitang pagbasura ng Court of Appeals sa kasong child abuse laban kay Willie, na inapela nila na ipawalang-bisa.  Hindi pa alam kung totoong aarestuhin si Willie dahil sa kaso.

Pero dahil gamit nga ng GMA Network ang mga studios nila, nag-advance taping na raw si Willie para tuluy-tuloy pa rin silang mapapanood hanggang sa dumating ang eleksyon sa May 9. Hindi lamang kami sure kung nakaya ba nilang mag-tape ng shows for two weeks, dahil magri-resume raw sila ng ta­ping, after pa ng eleksyon.

Mark at Winwyn, sa simbahan na ang tuloy?!

Ibang-iba na ang aura ni Mark Herras na napapanood namin sa mga trailer ng daily morning show ni Marian Rivera-Dantes na Yan Ang Morning!, na isa siya sa mga guest.

Aminado naman si Mark na sa kabila ng pagyao ng kanyang mommy kamakailan, naging masaya rin siya dahil hindi siya iniwanan ng girlfriend na si Winwyn Marquez sa oras ng kanyang pagdadalamhati dahil kamakailan nga lamang pumanaw ang kinilala niyang daddy at hindi nagtagal, ang kanyang mommy naman.   Hindi na rin nila ipinagkaila ang tunay nilang relasyon.

May balak na ba silang magpakasal ni Winwyn? 

Wala pa raw naman at kailangan muna ni Mark na makipag-usap sa parents ni Wyn, sina Joey Marquez at Alma Moreno, tungkol sa kanilang relasyon. Hindi raw naman niya mamadaliin si Win, hihintayin niya kung kailan ready na ang girlfriend.  At siya naman, tuloy sa kanyang mga trabaho sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with