^

Pang Movies

Sarah may kakaibang gagawin sa concert!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Habang iyong ibang mga singers nagdadasal na sana makapuno sila ng venue ng kanilang concert, ito namang si Sarah Geronimo ay kailangang magdagdag pa ng isang araw sa kanyang concert na gaganapin sa Araneta Coliseum, iyong From The Top.

Originally isang araw lamang ang concert na iyan, pero mabilis na naubos ang tickets nila. Marami pang may gustong manood, wala na silang mabiling tickets.

Kaya nagdesisyon ang producers ng concert na magdagdag ng isa pang araw para sa concert na iyon. Bukod sa December 4, mayroon pang isa sa December 5 sa Araneta rin.

Ang balita pa namin, iilan na lang din daw ang tickets na available para sa December 5. Mukhang ubos na rin.

Ang maganda pa riyan sa concert ni Sarah, ang karamihan sa kanyang kakantahin ay mga kanta mismo niya. Marami sa mga artist natin kung may concert, kumakanta lamang ng ilang hits na kanta nila, tapos puro cover versions na ng mga sikat na kanta ang inaawit. Eh si Sarah, dahil sa rami na rin naman ng mga nagawa niyang hits, ang gagawin niya halos puro kanta niyang sumikat ang kakantahin, at siguro nga magsisingit na lamang ng ilang covers.

Sa tingin namin, ang masasabing malaking kaibahan ni Sarah ay hindi lamang iyon dinagdagan pa ng araw ang kanyang concert sa isang malaking venue. Ang mas matindi roon ay makagagawa siya ng isang concert na karamihan sa kanyang kakantahin ay ang kanyang mga hit songs. Bihira ang Pinoy singer ang nakakagawa niyan. Mukhang siya nga lang yata ang una na mas maraming kakantahing sarili niyang kanta sa isang concert.

Para sa iba, isang malaking sugal iyan. Pero para kay Sarah, hindi mo na nga masasa­bing sugal dahil sold out na ang kanyang first day. Malapit na ring mag-sold out ang kanyang ikalawang araw. Ang laki talaga ng kaibahan ni Sarah. Iyong ibang nag-concert diyan sa Araneta, ipinamimigay na lang ang mga tickets pero hindi pa rin napupuno.

Kapuso stars isa-isang nag-aalsa balutan

Lumipat na ng network si Sarah Lahbati. Tapos lumipat na rin si Elmo Magalona. Nauna nang lumipat ang kanyang kapatid na si Maxene Magalona. May mga usapan pa na lilipat na rin daw si Regine Velasquez.

Wise decision naman ang ginawa nila kasi sa takbo ng mga pangyayari, maliit na ang kanilang chances sa GMA 7. Hindi mo rin naman masisi ang GMA. Hindi maikakailang umaariba ang kanilang ratings dahil sa AlDub, natural iyon ang kanilang susugalan. Hindi naman masasabing pinabayaan ang mga artist na iyan. Halimbawa, matagal na kinandili ng GMA si Regine, pero isang katotohanan na buntot lang noon ng ratings ng kalaban ang kanilang show. Nakasama rin sa show na iyon si Elmo. Pero noong magpalit ng format at ang inilagay ay mga komedyante, sina AiAi delas Alas, Wally, Jose at si Alden Richards, tumaas ang ratings at naghahabol na ngayon ang kanilang kalaban.

Si Elmo, at maging ang kapatid niyang si Ma­xene, binigyan din naman ng mga teleserye sa Siyete. Pero negosyo iyan eh. Natural kung sino ang mas hahakot ng advertising revenue, iyon ang kanilang susugalan. Kaya hindi dapat na maging katuwiran iyon napapabayaan sila ng GMA dahil sa AlDub.

Hindi nila dapat sisihin ang AlDub. Nag-click eh. Hindi naman intensiyon ng AlDub na tabunan sila, at siguro ni hindi nila naisip na maaaring mang­yari iyon. Kaso iyon nga ang nangyari eh. Ano ang kasalanan nila? Natural lang sa kahit na anong network na maghanap ng pagkakakitaan. Bakit pa ba sila nagbo-broadcast kung hindi rin lang naman kikita ang kanilang mga show?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CONCERT

HINDI

ISANG

LEFT

MGA

QUOT

RIN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with