^

Pang Movies

Second movie nina Popoy at Basha parang walang kasabay ang kinita sa first day

Jun Nardo - Pang-masa

Grabe naman ‘yung P43-M na kinita ng A Second Chance sa ope­ning day! As if wala nang ibang pelikulang palabas para suwapangin ng movie ang pera sa araw na ‘yon? Kaloka, huh!

Kung totoo at walang padding ang opening gross ng ASC, advantage kay John Lloyd ‘yon dahil may festival entry siyang Honour Thy Father. Magkaiba man ang tema ng pelikula, still, kay JLC pa rin ang credit kung tumabo ang movie.

Isko nakatikim din ng hagupit

Tikom ang bibig ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa hagupit na tinanggap ni Alma Moreno nang interbyuhin ni Karen Davila sa programa ng huli sa ANC News Channel. After Alma, siya ang kasunod na isinalang sa programa ni Karen pero wala namang pangungutya siyang tinanggap.

Gaya ni Alma senador ang posisyong puntirya ni Isko sa 2016 sa ilalim ng partido ni Sen. Grace Poe kahit na nga nakalinya siya sa senatorial slate ng ibang partido. Tulad din ni Ness, nakatanggap din siya ng panlalait nu’ng nagsisimula pa lang siya sa pulitiko.

High school graduate lang kasi si Isko nang pasukin ang pulitika. Hinagupit din siya ng ma­aanghang na salita ng mga kalaban niya. Ga­yun­paman, ginamit niyang instrument ‘yon upang tapusin ang kolehiyo.

Naglilibot na sa bansa si Isko at dahil nakalikha na rin siya ng name noon sa showbiz, ang pagiging member ng That’s Entertainment pa rin ang nagmamarka sa kanya sa mga tao.

TV personality tiis-ganda sa masikip na damit 

Imbyerna pala ang isang TV personality nang maging bahagi siya ng isang showbiz event. Kasi naman, masikip ang damit na ipinasuot sa kanya gayung magtatagal siya sa okasyon. Kahit hirap sa suot na damit, tiis-ganda ang TV celeb dahil friend niya ang organizers ng programa, huh! Sige siya sa pagkaway at pakikipag-selfie sa crowd kahit dusa na siya sa suot na damit!

Kaya after ng event, nagmamadaling tumakas ang TV celeb upang magbihis ng suot kahit marami pa rin ang may gustong magpa-groupie sa kanya!

 

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ACIRC

AFTER ALMA

ALIGN

ALMA MORENO

ANG

ISKO

LEFT

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with