^

Pang Movies

Janella at Jerome walang ilangan kahit dating mag-kuya

Jun Nardo - Pang-masa

Malaking hamon kina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce ang pagbidahan ang MMFF entry ng Regal Entertainment na Haunted Mansion dahil walang Shake, Rattle & Roll epi­sode this year at malalaki pang artista ang kabangga sa ibang entries.

Ipinagkatiwala na lang ni Janella sa premyadong director ng pelikula na si Jun Lana ang kabuuan ng movie at base sa experience niya sa shooting, kuntento naman siya sa resulta ng paghihirap nila.

“’Yung maging okey na lang sana ng movie ang maging gift sa akin sa Pasko,” rason ni Janella sa pocket presscon ng horror movie.

Eh, umani ng fans ang tandem nina Janella at Je­rome sa hit morning series na Be Careful With My Heart. Nasa cast din si Marlo Mortel kaya naman umigting ang nabuong loveteam triangle sa kanila.

Kahit magkapatid ang role nila sa BCWMH, walang ilangan kung loveteam naman sila ngayon.

“Okey naman po kami ni Jerome. Friends kami. Eversince Be Careful, everyone wanted us to be paired. First time na mangyayari ito,” sambit ng teen princess.

Kapwa naman daw malapit sa kanya sina Jerome at Marlo. “Pero si Marlo, sobrang friends kami. I can trust to him everything. I feel secured with Marlo. Si Jerome naman, same time kami nag-start. We can relate to each other. Lagi kaming nagkukumustahan. Kahit hindi kami magkasama,” sabi niya.

Parang kuya-kuya na niya ang dalawa, huh! Se­venteen years old pa lang kasi si Janella habang nasa 20s na ang dalawa.

“Hindi naman! Ha! Ha! Ha! Parang pantay pa rin!” katwiran ng OPM Pop Sweetheart. “Okey lang naman. Masaya naman ako sa ka-loveteams ko,” dagdag pa niya.

Pagdating sa movie, naranasan niyang patiliin ni Jun sa movie. Ang tili ba niya ang kakabog sa tili ni Kris Aquino sa horror movies na nagawa na ng huli?

“Ha! Ha! Ha! Hindi siguro. ‘Yung tawa ko sa bandang huli siguro! Sa trailer kasi, may tawa ako roon,” dahilan ni Janella.

Pero kahit may Pabebe scenes din si Janella kina Jerome at Marlo sa HM, no way pa rin sa kanya ang magkaroon ng kissing scenes. ‘Yun nga lang, pagdating pa raw ng 18 years old niya sa Marso, saka lang siya puwedeng ligawan, huh!

“Ay, hindi ko po alam! Ewan ko sa mommy ko! Ha! Ha! Ha!” diin ni Janella.

Sen. Chiz at Heart sumugod sa Ilocos

Wala talagang takot ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista na sugurin ang balwarte ni Sen. Bongbong Marcos nang makiramay sila sa namatay na anak ni Congressman Rudy Fariñas last week. As we all know, kalaban ni Sen. Chiz si Sen. Bongbong sa Bise Presidente next year, huh!

Pero kampante naman sina Chiz at Heart bibigyang-respeto naman sila ng mga kababayan ni Sen. Marcos kahit may tunggalian sa posisyon. Na siya namang nangyari nang ma-interview ang mag-asawa sa local radio station sa Ilocos Norte.

Isa rin sa favorite provinces ni Heart ang Ilocos Norte. Pumasyal siya roon nang gawin niya ang TV series na Ang Panday kasama ang dating boyfriend na si Jericho Rosales. Doon din kinunan ang ilang eksena sa ginawa niyang movie na Temptation Island.

So kumbaga, walang rason upang maduwag sila ni Sen. Chiz sa pagbisita nila sa lalawigan. Dinig nga namin, bentang-benta ang presence nila sa mga Ilocanos na ikinatuwa ng mag-asawa, huh!

Cebuana wagi sa Miss Beauche International 2015

Winner na winner ang dating ng presentation ng Miss Beauche International 2015 na ginanap last Sunday sa SMX Convention Center. Nagsilbi itong highlight sa 6th National Sales Assembly ng mga agents at distributors ng kumpanyang itinatag ni Madame Che.

Impressive nga ang opening production number ng 22 candidates kung saan idinispley nila ang kani-kanilang regional costumes.  Agad sinundan ito ng swimsuit competition and then, ‘yung announcement ng Top 11 semi-finalists after ng evening gown competition.

Eh, sa question and answer portion ng semi-finalists, pinapalakpakan ang bawat sagot ng mga kandidata. Pero sa 11, pumasok sa Top 5 ang representatives ng Cebu, Baguio, Davao, Dagupan at Benguet.

Wala nang masyadong seremonyas dahil isinunod nito ang final Q&A ng limang binibini. Sa announcement ng winners, si Miss Cebu Steffi Aberasturi ang kinoronahan na Miss Beauche International 2015 na nag-uwi ng 500K pesos in cash at iba pang premyo.

Naging part ng hurado sina Gloria Diaz, Paolo Ballesteros, Mirriam Quimabao, RJ Nuevas, Diana Zubiri-Smith at iba pa. Host naman si Robi Domingo at isa sa performers si Angeline Quinto.

Si Anton Broas ang director ng pageant na umani ng papuri sa maayos at mabilis na presentation.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIZ

ILOCOS NORTE

JANELLA

JEROME

MARLO

MARLO MORTEL

MISS BEAUCHE INTERNATIONAL

NAMAN

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with