^

Pang Movies

Gerphil magmamartsa muna bago tumodo sa pagkanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Saglit lang palang nakausap ni Gerphil Flores si David Foster nang mag-concert ang producer/singer dito sa bansa kamakailan. Hindi na rin daw siya ang nagdedesisyon sa kanyang career dahil pumirma na siya ng kontrata kay David.

Tinatapos lang ni Gerphil ang kanyang commitment sa kanyang eskuwelahan kung saan kumukuha siya ng kursong Bachelor in Music, Major in voice at magmamartsa na ang opera singer sa susunod na taon, buwan ng Marso. Pagkatapos ay sasama na siya sa concert tour ni Foster na iikot sa mga bansa sa Asya.

Naghahanda na rin si Gerphil sa recital nito sa December. Kinakabahan na raw siya ngayon pa lang.

Bago siya tuluyang sumama sa concert tour ni David, dadalawin muna ni Gerphil ang kanyang German dad sa April. Bale ba sa Germany ipinanganak si Gerphil at nung 5 years old siya ay saka lang sila bumalik sa bansa. Siyempre, proud ang tatay ni Gerphil sa gumagandang career ng kanyang anak.

Samantala, kahit may promise si Foster na bibig­yan siya ng sariling album, hindi na makapaghintay ang singer dahil sa rami raw ng nagri-request sa kanya na magkaroon ng sariling kanta.

Ngayon pa lang ay pinag-iisipan pa rin niya ang title at ilang cover songs na ilalagay sa album. Wish naman ni Gerphil na ma-release sa December ang album bilang pasasalamat niya sa sumusuportang fans.

Thankful si Gerphil dahil mula nang makasama siya sa Asia’s Got Talent ay lumaki na rin ang connection niya sa music industry.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASYA

GERPHIL

GOT TALENT

KINAKABAHAN

MARSO

NAGHAHANDA

NGAYON

PAGKATAPOS

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with