^

Pang Movies

Lea nakapuntos din sa AlDub fans

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakapuntos si Lea Salonga sa fans ng AlDub dahil sa kanyang tweet na “And thus they are doing good work for the world. Congratulations to the forces behind AlDub.”

Mababaw lang ang happiness ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza kaya touched na touched sila sa mensahe ni Lea na naging kontrobersyal noon dahil sa kababawan issue.

At least, alam na ngayon ni Lea kung ano ang AlDub at ang malakas na hatak nito dahil na­dagdagan ang kanyang followers na pinupuri siya dahil sa good words niya sa loveteam nina Alden at Maine. Kung sino ang ha­ters at bashers noon ni Lea, sila rin ang mga pumupuri nga­yon sa kanya.

I’m very very sure, naloloka na si Lea dahil sa dami ng likes at retweets sa tweet niya tungkol sa AlDub.

Huthutera pala foreigner na inireto sa aktres na bitter, nawindang

Bilmoko girl ang isang aktres kaya nag-babu ang foreigner na inireto sa kanya. Nawindang ang mhin sa drama ng aktres dahil wala itong ginawa kundi ang dumaing at mag-emote na wala siyang datung.

Positive thinker ang mhin at maganda ang pananaw niya sa buhay kaya naging successful ang kanyang mga negosyo.

Nang makilala ng mhin ang aktres, na-feel niya agad na bad for the business ang hitad na ganda lang naman ang puhunan.

Therefore, nagde­sisyon agad ang mhin na iwanan ang aktres na mahilig yata sa ampalaya at daing na isda dahil sobrang bitter siya sa buhay at hindi nawawalan ng mga reklamo.

Kylie hindi naniniwala sa loveteam!

Wala muna sa bokabularyo ni Kylie Padilla ang makipag­relasyon dahil ang acting career ang priority niya.

Ayaw ni Kylie na maging star dahil mas type niya na makilala bilang mahusay na aktres na hindi malabong mangyari dahil anak siya ni Robin Padilla.

Hindi rin feel ni Kylie na magkaroon ng loveteam dahil hindi siya naniniwala sa mga loveteam. Nagpapasalamat nga pala si Kylie sa mga sumusuporta sa kanyang afternoon show sa GMA 7, ang Buena Familia at sa mga nakaka-appreciate sa mahusay na acting niya.

24 Oras kasama lagi sa balita ang AlDub

Hindi nawawalan ng news tungkol sa AlDub ang 24 Oras dahil naghahanap ang fans ng mga bagong balita tungkol kina Alden at Maine.

May nagsabi sa akin na pumapalo sa ratings ang 24 Oras kapag naglalabas sila ng mga balita tungkol sa bagong activities nina Alden at Maine.

Kapag walang news ang 24 Oras, katakut-takot na tanong ang natatanggap nila mula sa televiewers at fans ng AlDub.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ALDEN RICHARDS

ANG

BUENA FAMILIA

DAHIL

KYLIE PADILLA

MAINE MENDOZA

MGA

NIYA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with