^

Pang Movies

Felix Manalo all time highest grossing non holiday opening!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Felix Manalo ang bio­pic ng founder ng Iglesia Ni Cristo (INC).  All-time highest grossing non-holiday opening ang movie ni Dennis Trillo.  Kaya naman nagdagdag pa ng mga sinehan ang Viva Films.  Due to insistent public demand, kung ang Felix Manalo ay napapanood na sa 300 cinemas nationwide, simula kahapon ay mapapanood na ito sa may 400 cinemas nationwide.

Pwede na ring mapanood ng maaga ang movie, at 8:00 a.m., sa lahat ng SM at Robinson’s cinemas nationwide. Sa mga may trabaho naman, pwede rin kayong manood sa last full show na 11:30 p.m. sa mga SM cinemas.  Ginawa ito para i-accommodate ang mas dumarami pang manonood.

Piolo tinatakbuhan pati pagpapakasal?!

Seventh year na ng SunPIOLOgy Run ni Piolo Pascual na magaganap sa November 28 sa The Fort, Global City.  Tema nila ngayon ay ang paglaban sa deadly disease na diabetes.  

Ayon kay Piolo, sa pamamagitan ng healthy lifestyle, maiiwasang magkaroon ng ganitong sakit, isa na rito ay ang regular exercise, tulad ng pagtakbo. Ang magiging bene­ficiaries ay ang Institute for Studies on Diabetes Foundation (ISDF), Lingkod Kapamilya at Hebreo Foundation, sa pamamagitan ng Sun Life Foundations Kick2Give, na ang sasali ay itsa-challenge to kick body bags with diabetes wordmarks for additional donations na ibibigay ng Sun Life sa ISDF.  Expected na ni Piolo ang pagdalo ng mga kasama niya sa Star Magic tulad ng mga nakaraang taon.

Since ang topic ay running, biniro si Piolo na kahit daw ba sa pagpapakasal ay tumatakbo rin siya? Natawa si Piolo, hindi raw totoo, katunayan nga ay looking forward for it and looking forward to settling down, pero sa ngayon daw ay sinasamantala pa niya ang mga opportunities na dumarating sa kanya.  

Sa ngayon nga raw ay may bago siyang soap na ipalalabas na next year, ang Written in the Stars kasama si Toni Gonzga, Sam Milby at Jolina Magdangal. May inaayos ding movie sila ni Kim Chiu matapos na nagkasama sila sa Etiquette for Mistresses.

Magsisimula ang online registration ng Sun­PIOLOgy sa October 12 at sa Toby outlets sa SM MOA at Robinsons Galleria  and RunnrBHS at sa Trinoma sa Oct. 19.

Alden parang nanlalamig na kay Maine, weeksary ‘di na singsaya ng dati

Si Maine Mendoza aka Yaya Dub ay nagwu-workshop na sa Kal­yeserye.  Naging malungkot ang 12th weeksary nina Alden Richards at Yaya dahil nasa Zamboanga si Alden para sa fans day niya roon, pero nagpadala naman siya ng flowers para kina Yaya at Lola Nidora.  

Nagkaroon sila ng celebration para sa weeksary pero napuno ito ng luha nang basahin ni Yaya ang sulat ng ina raw niyang si Isadora na nagsasabing panahon na para makasama niya ang kanyang anak at darating siya para kunin si Yaya.  Mukhang kahit sina Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo) ay ayaw pumayag na mahiwalay sa kanila si Yaya.

Umiyak nang umiyak si Yaya kay Lola at nagsalita siyang hindi niya iiwanan ang taong nagpalaki at nagmahal sa kanya.  Kaya ang tatlong lola, wala raw silang iwanan, tuloy ang buhay nila at todo ang pagsuporta nila kay Yaya sa pagpi-perform nito sa Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More sa Saturday, October 10.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

FELIX MANALO

LEFT

NBSP

PIOLO

QUOT

STRONG

YAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with