^

Pang Movies

Kahit nag-expire na ang kontrata, Regine ayaw layasan ang GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inamin ni Regine Velasquez-Alcasid na kasama siya talaga nina AiAi delas Alas at Marian Rivera sa comedy-variety show na Sunday PinaSaya, pero nagbago ang isip niya at tumanggi siya sa offer ng GMA Network.

Iyon kasi ang unang itinanong sa Asia’s Songbird sa launch cum presscon ng original reality artista search na Startruck na nasa sixth batch na nga­yon since nagsimula sila noong 2005.

Siya raw dapat ang sa musical side ng show ng Sunday PinaSaya, pero nahiya at naawa siya sa mga kasama niya noon sa Sunday All Stars (SAS) dahil siya lamang ang binigyan ng bagong trabaho, kaya hindi niya tinanggap, sa halip ang pagiging judge sa Starstruck ang tinanggap niya.

Pictorial pa raw lamang nila para sa show, na-excite na siya nang makita niya ang 35 contestants, dahil first time lamang niyang magda-judge sa isang artista search.  Isa pang ikina-excite ni Regine, muli niyang makakatrabaho ang main host ng show na si Dingdong Dantes na una niyang leading man sa romantic-comedy series na I Heart You Pare at first time naman niya to work with Megan Young na co-host ni Dingdong.  Si Megan ay graduate din ng batch 2 ng Starstruck.

First time din niyang makakatrabaho si Joey de Leon with Jennylyn Mercado na kasama niyang judges. Muli rin niyang makakasama ang da­ting mga kasama sa SAS na sina Rocco Nacino, Kris Bernal at Mark Herras.  Mga segment hosts naman ang mga dating graduates ng Starstruck.

As a judge, ano ang hahanapin niya sa may 35 contestants na ihaharap na on national television simula sa September 7, bago ang 24 Oras sa GMA-7?

“Ang hahanapin ko, iyong looks, iyong may dating.  Kasi iyong acting, maiwo-workshop iyon, pero iyong dating ng isang tao, kanya lamang iyon, hindi pwedeng pag-aralan. Like ni Alden (Richards) na sikat na sikat na ngayon, nakita ko na iyon sa kanya simula pa nang makasama ko siya sa mga shows, at napatunayan ko iyan nang magkasama kami sa Bet Ng Bayan, nakita ko kung gaano siya kabait at ka-dedicated sa trabaho. Yes, guwapo siya, pero may mas gwapo pa sa kanya pero iyong dating niya, iba. Kaya natutuwa ako kay Alden dahil dumating na ang right time para naman kilalanin na ang kanyang kakayahan. Fan kami ng anak kong si Nate nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza).”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BET NG BAYAN

DINGDONG DANTES

I HEART YOU PARE

JENNYLYN MERCADO

KRIS BERNAL

MAINE MENDOZA

NBSP

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with