^

Pang Movies

Gustong matulad sa kanya Piolo binabawalang makipagdyowa si Iñigo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Parehong ninenerbyos ang mag-amang Piolo at Iñigo Pascual nang humarap sa entertainment press sa presscon ng Sun Life na ginanap sa Souq Restaurant in Pampanga, bago ang first leg ng concert para sa #LiveFreePHMovement sa SM Pampanga. Sa pamamagitan nito, tutulungan ng Sun Life ang mga tao para mag-invest for their future.

Ninenerbyos si Piolo kung ano ang isasagot ng anak sa mga tanong at si Iñigo ay talaga raw ninenerbyos kapag kasama niyang humaharap sa press ang ama. Pero kita mo sa kanila ang respeto at pagmamahal sa isa’t isa. Ipinagmamalaki ni Piolo kung ano na ang narating ng anak simula nang umuwi ito ng Pilipinas nang kuning co-ambassador niya ng Sun Life. Siya na ang nagsabi na nag-renew na ng contract sa Sun Life si Iñigo at siya naman, ay pang- 7th year na ito.  

Hindi rin inilihim ni Piolo na lahat ng investments niya ay safe sa Sun Life, na marami na siyang policies na ang beneficiaries ay si Iñigo at ang kanyang ina, si Mommy Amy.

Sa Freedom Celebration concert nina Piolo at Iñigo, natanong ang nakatatandang Pascual kung bakit hindi sila nagku-concert na mag-ama kahit pare­ho naman silang mahusay kumanta. Ayaw daw niyang pagsabay-sabayin ang trabaho, ang gusto muna niya ay ang bagong album na gagawin ni Iñigo sa Star Records. Siya naman ay magsisimula nang mag-taping ng Written In Our Stars nila ni Toni Gonzaga for ABS-CBN at pinaghahandaan din niya ang showing ng indie film niyang Silong with Rhian Ramos na may commercial screening simula sa September 16. Tinanggap din niya ang isa pang indie film kasama si John Lloyd Cruz na idinirek ni Lav Diaz. Personal choice raw niyang gawin ito.

Pagdating naman sa lovelife, wala pa rin siyang bagong girlfriend, si Iñigo who will turn 18 na sa September 14 ay ayaw pa rin niyang mag­karoon ng girlfriend at bukod sa work, gus­to niyang tapusin muna nito ang studies at pag­han­daan nito ang kanyang future.

Regine umapir at kumanta sa TV5 para kay Ogie

Medyo nagkaiyakan sa set ng Happy Truck Ng Bayan ng TV5 kahapon nang sinorpresa ni Regine Velasquez ang asawang si Ogie Alcasid na nag-celebrate ng kanyang birthday sa show. Ayon sa mga nasa studio, feel na feel daw nila ang pagkanta ni Regine ng God Gave Me You. For sure, nagpaalam at pinayagan naman si Asia’s Songbird ng GMA Network dahil birthday naman ng husband niya. Masaya naman si Regine dahil nakita niyang muli ang kaibigan nilang si Janno Gibbs na co-host ni Ogie sa show. 

Ginawan na naman ng tula Joey ‘di makapaniwala sa tagumpay ng AlDub         

Kung mayroon isang hindi halos makapaniwala sa success ng kalyeserye ng Eat Bulaga, si Joey de Leon iyon. Nang gamitin nga ang hashtag na #ALDUBMaiDenHeaven, sinabi niyang iyon ang pinakamagandang hash tag na ginamit ng mga fans dahil miracle daw from heaven ang pagkabuo ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. At ang isa pang big miracle ay umabot ng 3.22 million tweets ang episode noong Saturday, August 29, kahit hindi pa rin nagkita sina Alden at Maine in person. 

Hanggang gabi ay trending pa rin sa number one nationwide at worldwide ang nasabing hash tag bago natapos ang pagtu-tweet nila ng 11:59 p.m. Kaya naman gumawa muli si @AngPoetNyo (Joey de Leon) ng tula na lumabas sa Philippine Star kahapon.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ATILDE

EAT BULAGA

GOD GAVE ME YOU

NAMAN

NBSP

NIYANG

PIOLO

SUN LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with