^

Pang Movies

Coco umalma, ginagawang serye may koneksiyon daw sa pulitika

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagdiinan ni Coco Martin na walang halong pulitika ang paggawa niya ng TV version ng Ang Probinsyano na pinagbidahan noon ni Fernando Poe, Jr. Honored siya nang mapili ang role na isa sa pinakamalakas sa takilya na movie ni Da King.

Lola kasi niya si Susan Roces sa action-drama. Then nu’ng press preview ng Ang Probinsyano, nagkaroon siya ng pagkakataon na ma-meet nang personal si Senadora Grace Poe.

“Nagkataon lang po na aabot hanggang kampanya next year ang series. Pero wala kaming intensyon na haluan ito ng pulitika,” rason ni Coco sa pocket interview niya kaugnay ng teleserye.

Wala rin daw siyang commitment sa ngayon kung susuportahan si Sen. Grace kung sakaling tatakbo siyang Presidente.

“Napakaaga pa po. Maging si Ate Grace, hindi pa rin nagsasabi kung tatakbo siya o hindi.

“Bago namin ginawa ang proyekto, nag-usap-usap kami nina Tita Susan at mga boss ng ABS-CBN. Klinaro namin na walang political agenda ito,” katwiran ng Drama King.

Ipinakita sa presscon ang maraming paghahanda ni Coco para sa role ng isang pulis. Nag-training siya at nagpakalbo rin upang maging makatotohanan ang cha­racter niya.

Isa si Maja Salvador sa leading ladies ng aktor sa series. Sumakto kasi ang sche­dules ng aktres kaya nalaglag si Angeline Quinto.

Sa AP, may kakambal na character si Coco. Biniro siya ng press na kambal din ang role ni Julia Montes sa Doble Kara, huh! Kinikilig na saad niya, “Baka magkaligawan ang kambal! Ha! Ha! Ha!”

Kung si Julia ay ina­min na gawa na ang bahay na pinatatayo, sambit naman ni Coco, wala pang bahay na nagagawa, huh!

Kylie hindi umiiyak sa harap ni Robin

Bagong gising si Kylie Padilla nang bisitahin ng press sa taping ng Buena Familia sa Balete Drive. Biro ng press, wala siyang dinaramdam ngayon.

“Masaya ako! Maganda ang show. Maganda ang ratings!” sambit ng aktres.

Wala man siyang boyfriend ngayon, aminado naman siyang may dini-date na taga-showbiz. Mas inspirado nga lang siya sa hangad niyang mag-improve ang acting niya para gumaling lalo.

Kumusta na pala ang sitwasyon ng tatay niyang si Robin Padilla matapos mawalan ng tatlo sanang anak?

“Okey lang naman si Papa. Umalis uli sila sa bansa,” sambit niya.

Nalungkot siya nang mawalan ng kapatid pero mas malungkot daw siya sa hitsura ng tatay niya.

“Nasa mata niya eh. Nagkita kami bago umalis. Niyakap ko lang siya. Hindi naman siya nagsasalita,” chika pa ni Kylie.

Umiyak ba siya sa harap ng Papa niya?

“Hindi kami ganoon! Ha! Ha! Ha! Nanghihina kasi si Papa ‘pag nakikita niyang umiiyak ako. Ganoon talaga kami. Hindi kami makasalita,” sey ng aktres.

Doon daw nakita ni Kylie ang ama sa lo­west point ng kanyang buhay.

Michael Pangilinan kinikilabutan kay Hajji Alejandro!

Todo na ang kabog sa dibdib ng Bagong Kilabot ng Kolehiyala na si Michael Pangi­linan. Ngayong gabi kasi ang concert na Ki­labot Meets Kilabot sa Music Museum. Maka­kaharap na niya ang origin na Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro.

“Talagang kinikilabutan ako! Imagine, idol ko tapos, makakasama ko na sa concert. Na­kakanerbyos talaga,” pahayag ni Michael.

Dapat sana ay makakasama rin ang naging Kilabot Ng Kolehiyala na si Ariel Rivera. Nagkataong may taping siya ng Doble Kara ngayong araw.

Mula nang maging instant hit sa publiko ang kanta ni Michael na Pare Mahal Mo Raw Ako, lumusong na rin siya sa mundo ng pag-arte kung saan isa siya sa cast ng movie. Ngaragan na rin ang demand sa kanya sa out of town gigs and lalabas na rin ang bago niyang album under Star Music.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG PROBINSYANO

DOBLE KARA

HAJJI ALEJANDRO

LEFT

NIYA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with