^

Pang Movies

Thea hindi pa nagagamit ang biniling sasakyan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May-ari na ang tween star na si Thea Tolentino ng isang second hand Montero Sports, ang kauna-unahan niyang kotse simula nang manalo siya sa Protégé talent search. Kaya labis ang pasasalamat niya kay Wowowin host na si Willie Revillame na tinupad ang pangako niyang bibigyan siya ng halagang ipangda-down payment sa kotseng bibilhin niya. May 17, 2015 nang mag-guest si Thea, kasama si Barbie Forteza sa afternoon game variety show na puwede sanang manalo ng kotse.

Hindi nanalo sina Thea at Barbie, pero nangako nga si Willie na bibigyan ang una ng pang-down payment nito. Tinupad ito ng host at sabi ay nagpabigay siya ng three hundred thousand pesos at iyon ang ginamit ni Thea. Hindi pa raw niya masyadong nagagamit ang kotse dahil wala siyang driver at mag-aaral pa siyang mag-drive. Pero labis ang pasasalamat ni Thea dahil tuluy-tuloy pa rin ang success ng kanilang afternoon prime na The Half Sisters na extended muli hanggang October at sa halip na magwakas ito sa September 11. 

Bukod kay Ms. Cherie Gil, pumasok na rin kahapon si Ruru Madrid, na happy na muli silang magkakatrabaho ni Barbie na una niyang nakasama noon sa telefantasya nilang Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa. Ano kaya ang magiging role ni Ruru as Joaquin, kaibigan o kaaway ba siya ni Diana (Barbie)?

Subscribers ng GMA Pinoy TV, lumobo dahil sa AlDub

Wala naman kaming masabi dahil talagang abot na sa buong mundo ang kasikatan ng Eat Bulaga at ng kalyeserye segment nila sa Juan for All, All For Juan. Napanood namin sa GMA News TV na mas maraming Pinoy abroad na ang subscribers ng GMA Pinoy TV. Tinawag nilang #Sampuso, may interview sila sa mga kababayan natin abroad na bukod sa updated na raw sila sa mga nangyayari sa ating bansa, higit sa lahat ay tatlong beses nilang pu­wedeng panoorin ang Eat Bulaga at ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. 

Kung nagtatrabaho raw sila sa araw ay pag-uwi nila sa gabi puwede nilang mapanood muli ang noontime show na labis na nagpapasaya sa kanila.

Wally at Jose ibinuko, Alden at Yaya Dub hindi na sumusunod sa script

Meanwhile, magkikita na nga ba ngayong tanghali sina Alden Richards at Yaya Dub sa kalyeserye? Ang bago kasing challenge ni Lola Nidora (Wally Bayola) ay magdala si Alden ng laing at pinangat na dalawa sa paboritong delicacies sa Bicol. 

Halata na rin daw na totoo ang feelings nina Alden at Yaya Dub sa isa’t isa kaya sa palitan nila ng fan signs, mga tunay na nilang pangalan ang ginagamit nila. Nagsalita na rin sina Wally at Jose Manalo na sila na lamang ang umaakting sa kalyeserye, dahil ang dalawa ay hindi na sinusunod ang script.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALL FOR JUAN

ANG

BARBIE

EAT BULAGA

NBSP

PINOY

QUOT

STRONG

THEA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with