^

Pang Movies

Gladys walang reklamo kina Dennis at Bela

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Hindi kataka-taka kung may mga kumwesti­yon din palang ilang members ng Iglesia ni Cristo (INC) kung bakit hindi ang mga kasapi nilang artista ang kinuhang bida sa Felix Manalo, ang biopic ng unang ministro ng INC.  Ang pagsasalin sa movie ng Felix Manalo ay dinirek ni Joel Lamangan at si Dennis Trillo ang gumanap sa role ni Ka Felix simula noong bata hanggang sa kanyang pagyao.  Si Dennis ay isang Katoliko.  Gumanap namang si Ka Honorata, ang asawa ni Ka Felix, si Bela Padilla.  Si Bela naman ay isang member ng Jehovah’s Witness.

Pero ipinagtanggol ni Gladys Reyes ang mga kasama niyang artistang hindi kasapi ng INC, nang makausap siya sa birthday party ni Angelu de Leon noong nakaraang linggo.  Ayon kay Gladys hindi naman dapat maging issue kung sinu-sino ang gumanap sa mga mahahalagang role sa movie, hindi kailangang mga kapatid nilang kasapi sa INC ang gumanap sa lead role ng movie.  Nakasisiguro raw siyang kinuha sina Dennis at Bela dahil sila ang bagay sa mga role na ginampanan nila.  Kung mapapansin nga raw, iyong poster ni Dennis sa Felix Manalo ay kamukha siya ng kanilang unang ministro ng INC.

 “Saka binigyan naman ng mahahalagang role ang mga tulad naming kasapi ng INC, ako, ang asawa kong si Christopher (Roxas), Antonio Aquitania, si Snooky Serna, Richard Quan, Ruru Madrid, at marami pang iba,” sabi pa ni Gladys.  “Para sa akin, maganda nga iyong ginawa na pinagsama-sama nila mula sa iba’t ibang relihiyon, parang naging isa lamang kami.”

Ang Felix Manalo ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide, simula sa October 7. Magkakaroon ito ng grand premiere night sa October 4 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.

  Yaya Dub at Marian magka-boses

 Ang dami nang inquiries ng commercial at ex-deals sa AlDub team nina Alden Richards and Maine Mendoza aka Yaya Dub.  Pero paano makukuha ang dalawa eh sa KalyeSerye nila sa Eat Bulaga, hindi pa sila nagkikita at nagkakausap nang personal, hindi pa rin naririnig ang totoong boses ni Maine. 

May nagtanong nga sa amin kung totoog magkahawig ang boses nina Ma­rian Rivera at Maine, negative din ang sagot namin dahil hindi pa rin namin nami-meet ng personal si Yaya Dub, wala pang nakaka-interview sa kanya sa press.  Kapag may nag-try daw na interbyuhin siya sa sugud-bahay, kung hindi ngumingiti lamang, nagda-dubsmash siya

Kaya iyong gusto ni Ellen Degeneres na i-feature si Maine sa kanyang show, iyon din ang problema, kailangan munang magkita at magsalita si Yaya Dub. Siguro, malapit na ring mangyari ang gusto ng mga AlDub fans dahil isa-isa nang lumalabas ang laman ng diary ni Lola Nidora.

Wala naman kaming masabi kay Alden, dahil para sa celebration ng weeksary nila kahapon sa KalyeSerye ng Eat Bulaga, maaga siyang bumalik ng Manila kahapon ng uma­ga para lamang makasama si Maine.  Pero muling babalik ngayong Friday si Alden sa Legaspi City para sa celebration ng Mutya ng Ibalon na special guest siya. At sa Saturday morning, balik din siya ng Manila dahil grand finals ng hino-host niyang segment na That’s My Bae at siyempre para sa KalyeSerye nila ni Maine.

vuukle comment

ACIRC

ANG

EAT BULAGA

FELIX MANALO

HINDI

KA FELIX

MGA

NBSP

PERO

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with