^

Pang Movies

Pagpili kay Charo Santos-Concio ng 43rd Emmy Awards karangalan pati sa buong bansa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nagtatanong sa amin, bakit daw ba parang napakalaking balita na napili si Charo Santos-Concio na maging chairperson ng gala ng 43rd Emmy Awards? Aba talagang malaking bagay iyan at malaking karangalan sa Pilipinas na sa kauna-unahang pagkakataon, may isang Pilipino silang napili para magpatakbo ng kanilang awards.

Noong araw, maisali lamang ang isang TV show natin sa Emmy, napakalaking bagay na i­yon. Ipinagyayabang na natin. Nga­yon isa sa atin ang chairperson ng kanilang awards.

Linawin muna natin, dahil tiyak hindi naman alam ng marami kung ano ang Emmy. Ang Emmy Awards ay ibinibigay para sa mga katangi-tanging palabas sa telebisyon. Bagama’t nagsimula lamang sa US noong 1948, ngayon ang sumasali riyan ay nagmumula sa mahigit na 18,000 networks sa buong mundo. Para manalo ka diyan, o ma-nominate man lang ang ipinadala mong show, matindi ka na.

Tatanungin naman ninyo, bakit Emmy ang tawag? Kasi nga para sa telebisyon iyan at noong araw na iniisip nila kung ano ang itatawag nila sa kanilang award, naisip nilang gawin iyong “immy” dahil iyon ang colloquial word noon para sa “image” na siyang lumalabas sa tube, na telebisyon nga. Noong malaunan naging Emmy na nga iyon.

Eh ano ngayon sa atin ang pagkakapili kay Charo? Isipin ninyo, may labing walong libong networks sa buong mundo na naki­kisali riyan sa Emmy. Iyan ang kinikilalang pinaka-prestigious award on television. Iyong mga local TV awards natin, wala pa sa dulo ng kuko ng Emmy. Kasi diyan ang humahatol sa iyo ay ang mga kasama ninyo sa industriya mula sa buong mundo. Para mapili ka ng mga kinikilalang leader ng industriya ng telebisyon sa buong mundo, aba matindi ka.

Para mapili ka naman para pamunuan ang mga kilalang leader ng industriya sa buong mundo sa kanilang pagbibigay ng awards, talagang matindi ka.

Perang ibinigay ni Boy Abunda lumipad na?! Nora tatlong taon nang pinapaasa ang publiko sa kanyang pagpapaopera at concert

Teka nagkakalimutan na naman tayo, kaila­ngan nga ba magtutungo sa US si Nora Aunor para maoperahan na ang kanyang lalamunan? Hindi ba sinasabing hinihintay na siya ng doctor na mismong tumingin noon kay Julie Andrews para maoperahan na nga ang kanyang lalamunan at nang makakanta na siya ulit? Hindi ba three years ago na iyong sinasabing magiging concert niya sa Ara­neta Coliseum na hinihintay na rin ng fans niya?

Lumabas na kulang ang pera ni Nora kaya hindi makapagpa-opera. Kasi naman puro mga indie na lang ang nagi­ging projects niya. Nagbigay ng donation si Boy Abunda para makapagpa-opera na ang kanyang idol. Pero sabi ni Nora tatapusin muna niya ang pelikula niya para sa film festival. Hindi naman nakasali sa film festival ang pelikula niya. Ngayon kahit na may mga pelikula ng nag-backout, sinasabing hindi pa rin naman ang pelikula niya ang kasali.

Bakit nga ba hanggang ngayon hindi pa makapagpa-opera si Nora Aunor para maka­kan­ta na siya ulit. Kami, dudang maibabalik pa ang kanyang boses, pero hindi natin malalaman i­yon kung hindi nga siya sasailalim sa operasyon na sinasabi sa kanya.

Nagkalimutan na naman yata sa dapat na mang­yari. Sa kasong iyan, walang masasabing hindi natulungan si Nora. Ibinigay na sa kanya ang lahat ng pagkakataon pero mukhang talagang ayaw na rin niya kaya wala na tayong magagawa riyan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOY ABUNDA

EMMY

HINDI

KASI

NAMAN

NORA

PARA

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with