^

Pang Movies

Matapos kumalas sa BF na INC, solo program ni Janice tsugi na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ko ine-expect na pipik-apin ng mga website ang report ko na walang special participation si Janice de Belen sa Felix Manalo dahil hindi na siya member ng Iglesia ni Cristo.

Dahil sa report ng PM, may nagsabi na matagal nang hindi napapanood sa Net25 ang Spoon, ang cooking show ni Janice dahil hindi na nga siya kasapi sa INC.

Kaso fully-booked na Alden desididong ipag-produ ng major concert sa Araneta

Season ngayon ni Alden Richards dahil sa rami ng mga inquiry na natatanggap ng GMA Artist Center mula sa mga tao na gustong imbitahan siya sa mga coronation night, out of town shows, debut at kung anik-anik pa.

Isa lang ang problema, fully-booked na si Alden kaya gustuhin man ng GMAAC, hindi mapagbigyan ang lahat ng mga imbitasyon sa kanya.

Limitado ang mga out of town show ni Alden dahil mainstay siya ng Eat Bulaga. Hindi puwedeng mawala si Alden sa Kalye­Serye dahil hinahanap siya ng televiewers.

Isang concert producer ang interesado na ipag-produce si Alden ng major concert sa Smart Araneta Coliseum pero hindi pa malinaw kung matutuloy ang plano dahil sa hectic schedule ng aktor.     

Kita n’yo naman, nangayayat na si Alden dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa pero hindi siya nag­rereklamo. Masayang-masaya si Alden dahil natupad na ang pangarap ng pumanaw na nanay niya na maging artista siya. Kaligayahan din ni Alden ang makita na masaya ang kanyang mga tagahanga.

Sangkatutak din ang mga inquiry at imbitasyon kay Maine Mendoza aka Yaya Dub pero dapat maintindihan ng mga nag-iimbita na hindi pa siya pinapayagan ng Eat Bulaga dahil hindi pa sila nagkikita ni Alden nang personal at lalong hindi pa naririnig ng madlang-bayan ang kanyang tunay na boses.

The Half Sister madadagdagan ang cast

Madaragdagan pa ang cast member ng The Half Sisters dahil sa October pa ito matatapos.

Ang The Half Sisters ang longest running afternoon soap ng GMA-7 dahil mahigit isang taon nang umeere ang programa na hindi matinag-tinag sa number one spot.

Mabilis ang takbo ng mga araw kaya nalulungkot na ang mga sumusubaybay sa The Half Sisters dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang favorite afternoon te­leserye.

Venue ng grand premiere ng Felix Manalo, tiyak aapaw

Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa venue ng grand premiere night ng Felix Manalo sa October 4.

May mga balita na magaganap ang bonggang premiere night sa Philippine Arena.

Tiyak na dadagsain ito ng mga kapatid sa INC na excited mapanood ang pelikula.

Ito na tiyak ang pinakamalaking premiere night na magaganap dahil 55,000 ang capacity ng Philippine Arena.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

FELIX MANALO

HALF SISTERS

HINDI

MGA

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with