^

Pang Movies

Marian nailihim ang ginawa sa birthday ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy ang fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kahit sa pictures posted ni @teenabarretto sa kanyang Instagram account, na siyang nag-prepare ng birthday celebration ni Dingdong, ay nakikita nila ang ilang parts ng bahay ng mag-asawa.

Sabi pa sa post ni Teena, lahat daw iyon ay plano ni Marian kaya nasorpresa ang kanyang asawa na akala niya ay simple dinner lamang ang pagsasaluhan nila with their family.

Clueless pa kasi sa mga fans kung saan ang bagong tirahan ng mag-asawa.

Boyet sunud-sunod ang pagdating ng mga bagong apo

Mas maraming ipinagpapasalamat ang Drama King na si Christopher de Leon, nang makausap namin pagkatapos presscon ng Beautiful Strangers.  At makikita ito sa kanyang matagal na pakikipag-usap sa mga entertainment press, kaya iyong iba ‘di maiwasang mag-comment na “ang guwapo pa rin ni Bro. Bo (tawag kay Boyet)”.

“Masaya ako sa bago kong project dito sa GMA 7,” sabi ni Bro. Bo.  “Marami akong bagong natutunan kay Direk Albert Langitan, iniba niya ang paraan ko sa pagganap sa role ni Ronaldo Castillo, isang kilalang businessman, kontrolado ng asawang si Alejandra (Dina Bonnevie) at iyon ang naging dahilan para gumawa siya ng mga maling bagay na naging dahilan para sa kaguluhan sa story sa pagitan nina Kristine (Heart Evangelista) at Joyce (Lovi Poe).

“Thankful ako to our Lord sa magagandang pangyayari sa buhay ko. Pareho nang magaling ang mag-ina ko, ang second son naming si Miguel, magaling na from cancer at back to work na.  Next month, uuwi siya rito para kunin na ang anak niya na kami ni Sandy ang nag-alaga habang may sakit siya.  Back to work na rin si Sandy (nag-taping na siya ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN) after ng kanyang kidney transplant. At lumalaki na ang pamilya ko.  Kung may apat na akong apo kay Lotlot, katatapos lamang isilang ang first baby ni Rafael Sandino sa New Zealand.  Dinalaw namin noong isang araw ang new baby ni Matet.  Last month ikinasal na ang panganay kong si Ian pero this month, magsisilang na ang wife niya ng first baby nila.  Si Gab, ang third son ko ay kasama ko rito sa soap, kaya lamang hindi yata kami magkakasama sa isang eksena.  Wala nang kaligayahan tatalo pa sa isang ama na makita niyang maayos ang kalagayan ng mga anak niya.”

Djanin Cruz balik pag-arte matapos tulungan magpagaling ang amang si Tirso Cruz!

Ipinagpasalamat din ni Djanin Cruz na matagal-tagal din siyang nawalan ng trabaho noong time na maysakit ang amang si Tirso Cruz III.  Nakapag-focus siya sa pagtulong sa Mama niya sa pag-aalaga sa Papa niya.  Ngayong magaling na from cancer at back to work na ang ama, masaya siya dahil kinuha naman siya ng GMA-7 to join the cast of Beautiful Strangers.  Huli pa kasi niyang project sa Kapuso Network ang Bukod Kang Pinagpala.

Natawa si Djanin nang tanungin namin kung totoong may kissing scene sila ni Benjamin Al­ves. True raw, pero hindi naman passionate kissing scene. Magkababata raw sila ni Ben sa story at siya ang may gusto na maging girlfriend nito kahit alam niyang may ibang babaeng gusto si Ben, si Lovi Poe.  Mapapanood pa raw siya sa second week ng soap.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BENJAMIN AL

BOYET

BUKOD KANG PINAGPALA

DJANIN CRUZ

LOVI POE

NBSP

SIYA

TIRSO CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with