^

Pang Movies

Pagbaril at pagpatay kay Ozu Ong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Baka hindi lang carjacking ang talagang nangyari sa pagpaslang sa singer at member ng Masculados na si Ozu Ong. May naniniwalang baka iyan ay bunga ng isang alitan.

May mga testigo na nagsabing tumigil ang sasak­yan ni Ong, bumaba siya roon at nilapitan ang isang kotseng nakahinto na parang nag-aabang sa kanya. Para lapitan ni Ong ang kotse kung totoo nga iyon, ibig sabihin kilala niya ang sasakyan at posibleng ang nakasakay doon. Mula sa kotse ay may bumaba raw isa na siyang bumaril kay Ong. Pagkatapos noon, bumaba ang isa pa at nagtungo sa Toyota Hi Lux na minamaneho ni Ong at tinangay iyon.

Nang makaalis ang mga hindi naki­lalang salarin, at saka nilapitan ng ilang nakakita si Ong at isinugod iyon sa ospital, pero namatay din. Sa unang pagsusuri, iyong balang tumagos sa kanyang baga ang siyang pumatay sa singer.

Nananawagan naman ang pamilya ni Ong ng hustisya at mabilis na imbestigasyon sa pangyayari.

Kung totoo nga ang sinabing iyan ng mga diumano ay nakasaksi sa krimen, baka nga totoo na maliban sa carjacking ay may ibang motibo pa ang mga criminal. Sa ngayon talagang ang masasabi mong sigurado lamang ay agaw-kotse, dahil tinangay ng mga criminal ang sasakyang minamaneho ni Ong.

Nakaburol na ngayon si Ong sa isang chapel sa Antipolo. Naulila niya ang apat na anak na pawang maliliit pa. Umiiyak at nananawagan para sa mabilis na hustisya ang kanyang asawa.

Kagaya nang sinabi namin kahapon, sinusulat namin sa aming column ang pangyayaring iyon nang walang ibang kumpirmasyon pa, maliban sa mga detalyeng itinawag sa amin. Huli na nang ilabas maging sa telebisyon ang mga pangyayari. Maski sa internet, dumating ang mga kumpirmasyon maging sa internet ilang oras matapos na nag-post din kami ng mga katanungan tungkol doon.

Sarah bumawi ng todo kay Matteo!

Kung noong una, sinasabing hindi nasipot ni Sarah Geronimo ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidecelli nang sumali iyon sa isang triathlon event, ngayon naman bawing-bawi siya. Kahit na sa Cebu pa ginanap ang triathlon na kanyang sinalihan, matiyagang naghintay sa finish line si Sarah at nang dumating doon si Matteo ay sinalubong niya ng yakap at halik ang boyfriend. Ang usapan nga nila, bawing-bawi si Matteo dahil hindi lamang moral support ang ibinigay ni Sarah. Sa ginawa niyang iyon talagang isinigaw na nga niya sa lahat ang kanilang love affair ni Matteo.

Kamakailan lamang, may mga kumalat pa ngang balita na nagkakalabuan na daw ang dalawa, pero mabilis silang nag-deny at sinabing nagkataon lamang na busy sila talaga sa trabaho kaya hindi sila masyadong nagkikita. Tapos bilang may mga netizen na naglabas pa ng mga pictures na magkasama silang nanood ng pelikula ni Sarah sa isang sinehan sa Makati.

Ngayon dahil sa nangyaring iyan sa triathlon, na nakunan pa ng video ng maraming TV correspon­dents, talagang maliwanag na nananatiling matibay ang relasyon nina Sarah at Matteo. Maliwanag din na hindi iyan “all for show” kung di totohanan na talaga.

Palagay naman namin nasa tamang edad na sina Sarah at Matteo para sa kanilang relasyon. Palagay din naman naming responsible sila at alam na nila kung ano ang kanilang ginagawa.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

MATTEO

MATTEO GUIDECELLI

MGA

ONG

OZU ONG

PALAGAY

SARAH

SARAH GERONIMO

TOYOTA HI LUX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with