^

Pang Movies

Pinagdaanang hirap ni FPJ laging bumabalik sa isip, Sen. Grace hindi raw hayok mag-presidente!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayaw pa ring tigilan si Sen. Grace Poe ng intriga tungkol sa kwalipikasyon niya sa pagtakbo bilang Presidente sakaling matuloy man ito. Sa birthday party ng kanyang inang si Susan Roces ay nagbigay ng pahayag ang senadora tungkol dito. Mariin ni­yang sinabi na hindi siya hayok maging pangulo kung ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang magsinu­ngaling tungkol sa kanyang residency at citizenship. “Hindi po kaya ng konsensya ko ang manloko para lamang tumakbo sa mas mataas na posisyon,” pahayag ni Senator Grace. “Hindi ko po inaambisyon ang gano­ong posisyon na gagawin ko ang lahat para lang makamit ito,” saad ni Sen. Grace.

Bilang pagpupugay sa ina, ibinahagi ng senadora ang isang habilin ni Susan Roces sa kanya. Aniya, pinaalalahanan siya ng kanyang ina “not to lose herself” lalo na sa ganitong panahon. Ayon sa senadora, hindi pa rin naka­ka­limutan ng kanilang pamilya ang hirap na pinagdaanan ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. nang sumabak ito sa pulitika noong 2004 dahil sa udyok ng mga matatalik na kaibigan at taga-suporta.

Kaya nga raw talagang pinag-iisipan niya nang husto ang magiging desisyon ngayon. Bukod dito ay kinukunsidera rin niya ang saloobin ng kanyang pamilya sa isyu ng kanyang napapabalitang pagtakbo. Ang dalawang nakatatandang anak daw niya ay hindi naman tutol dito. Ang bunso naman ay nangangambang baka mawalan siya ng oras sa kanila kung sakaling tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.

Sa ngayon ay nagmumuni-muni pa ang Senadora at iniisip din niya kung kung ano ang magagawa niya para sa bansa kung sakaling siya ay kumandidato nga.

Ayaw niya umano ng basta-basta sasabak sa pulitika ng walang ihahaing platapormang tunay na makakatulong sa bayan. “Manalo man o hindi, sasali ka sa isang eleksyon. Mayroon at mayroon pa ring susuporta sa iyo at ayaw mo namang iwaldas ang tiwala nila, na sasabak ka diyan na hindi ka naman magbibigay ng solusyon sa ating suliranin sa bayan. Kailangan ay handa ka,” sabi niya.

Marian willing mabuntis agad pagkapanganak!

Six months na ang tiyan ni Marian Rivera pero dahil hindi niya matiis na hindi pa rin magtrabaho, tinanggap niya ang musical variety comedy show na Sunday PinaSaya ng GMA 7 tutal naman ay once a week lang ito at wala naman daw siyang gaga­wing mabigat sa show. Sa presscon last Thursday night para sa nasabing Sunday show at makakatapat ng ASAP 20, ang ganda-ganda pa rin ni Marian kahit buntis.

Medyo maliit nga lang para sa anim na buwan ang kanyang tummy pero healthy naman daw siya pati na ang baby. Sobrang excited na si Marian sa paglabas ng kanilang munting anghel. Siyempre, ganundin ang mister niyang si Dingdong Dantes na lagi raw hinihimas ang kanyang tiyan at kinakausap ang kanilang baby.

It has been announced na babae ang ipinagbubuntis ni Marian at huling ultrasound ay nakita na raw nila ang mukha ng baby kaya mas lalo silang na-excite. May nagsasabi raw na mas kamukha ng mister niya at may nagsasabi namang kamukha niya. “So, paglabas, tignan natin kung sino ang kamukha. Ang importante, sabi nga ng asawa ko, kahit sino ang kamukha sa amin, ang importante, maging mabuti siyang taong lalabas,” say ni Marian.

Siya raw mismo siyempre ang mag-aalaga sa kanyang baby. Magiging hands-on mom daw talaga siya pero hindi rin naman daw ibig sabihin nito ay tatalikuran niya completely ang kanyang showbiz career. “Kahit nga ngayong buntis ako pasulpot-sulpot pa rin ako, eh. So aalagaan ko muna ‘yung anak ko. Ang hirap din naman sigurong isipin na iwanan siya kapapanganak ko pa lang, magtatrabaho na ako, parang hindi ko yata kakayanin, ‘yun.”

Balak din niyang mag-breast feeding at gusto niyang normal ang kanyang panganganak. Gusto ni Marian ng maraming anak kaya kahit pagkatapos daw niyang manganak, kung mabubuntis siya agad ay okay lang daw sa kanya. “Kung kelan ibigay ng Panginoon sa akin ulit eh okay ako,” say niya.

Sa August 9 na magsisimula ang Sunday PinaSaya at kasama rin niya rito sina AiAi delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Valeen Montenegro, and Jerald Napoles.

AiAi hindi Sineseryoso ang pulitika

Sa presscon pa rin ng Sunday PinaSaya ay natanong naman ang Comedy Queen kung talaga bang tatakbo siya sa 2016 elections. Idinaan ni AiAi sa biro ang sagot kaya hindi namin alam kung ano ba talaga ang seryosong plano niya. Open naman si AiAi sa susuportahang Presidential candidate at noon pa ay alam naman ng lahat na ito ay si Vice President Jejomar Binay.

What if alukin siya nito na sumama sa kanyang partido? “Hindi ko pa masasagot ‘yan, eh. Tignan natin. Mahirap magsalita, eh,” say niya. Biro niya, hindi raw siya pwedeng tumakbo sa Pinas dahil U.S. green card holder daw siya. “Pwede ako sa Amerika. Si Hillary Clinton ang lalabanan ko,” joke niya.

Mike Tan kaduda-duda na ang pagkalalaki

Magtatapos na rin ang The Rich Man’s Daughter ng GMA 7 at very thankful si Mike Tan na nakasama siya sa seryeng ito at binigyan ng challenging role. Nakuha ni Mike ang puso ng netizens sa kanyang portrayal bilang gay na si Paul. Talagang sa tuwing lalabas daw siya ay tinatawag siya sa kanyang karakter at minsan, akala nga raw ng mga tao ay gay siya in real life. “May nagtu-tweet na “minsan talaga, nagdududa na ako kay Mike, eh. Lalaki ba talaga ‘to?” Kasi sobrang believable raw, eh,” kwento ni Mike nang makatsikahan namin sa isang pocket presscon recently.

Hindi naman ikinakaila ni Mike na noong bago siya sa showbiz ay nagkaroon talaga ng gender issue sa kanya na madalas naman talagang naiisyu sa mga baguhang lalaki. “Namatay na lang (ang issue). Pinagtatawanan na nga lang namin, eh,” say niya.

Pero malayo ngang maging gay in real life si Mike dahil may girlfriend siya for nine years now. Non-showbiz ang girl at napaka-supportive raw sa kanya. Asked kung may plano na ba sila na mag-settle down, say niya ay gusto na muna raw niyang maging stable ang kanyang career. Right now kasi ay medyo marami pa raw siyang gustong gawin. Aminado siyang hindi pa siya kontento sa kanyang mga narating. “Wala namang taong kontento, eh, ‘di ba? Pero masaya ako doon sa nangyayari po sa akin ngayon. Nararamdaman ko na pinagkakatiwalaan ako ng GMA sa mga ganitong klaseng role, sa mga ganitong mahihirap na role. Na posibleng nakikita nila na ako lang ‘yung capable na gumawa nito,” he said.

After The Rich Man’s Daughter ay may bago siyang seryeng gustong gawin at hopefully ay makuha raw niya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

KANYANG

KUNG

MIKE TAN

NAMAN

NIYA

RAW

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with