^

Pang Movies

Kuya Germs itinuloy ang debosyon kahit hirap pang maglakad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bagama’t hindi pa nga niya makayanan na lumakad nang malayo at dala pa rin ang kanyang wheel chair, diretso namang nakalapit si Kuya Germs sa mapaghimalang imahen ng Birhen ng Manaoag noong gawin niya ang kanyang taunang pilgrimage sa Manaoag, Pangasinan noong Lunes Santo.

Hindi maaaring hindi ituloy iyon dahil taunan na ngang ginagawa iyon ng Master Showman halos may tatlumpung taon na ang nakararaan. Isinama pa rin ni Kuya Germs ang lahat ng kanyang mga kaibigan sa nasabing pilgrimage. Dahil ang paniwala niya, isang paraan din iyon para maakay niya ang kanyang mga kaibigan sa isang tamang debosyon sa panahon ng Mahal na Araw.

“Hindi naman puwedeng puro na lang tayo show business. Kailangan din naman nating magpasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap natin. Kailangan din gumawa tayo ng mga debosyong kagaya niyan dahil nakakatulong talaga sa atin. Iyan din ang nagpapaalala sa atin kung ano pa rin talaga tayo,” sabi ni Kuya Germs.

Actually, itinuturing pa ring blessing ni Kuya Germs ang nangyari sa kanya, dahil sabi nga niya may nangyari mang hindi maganda, nakita naman niya ang napakabilis niyang recovery. Sinasabi nga niya na siguro in no time at all, makakabalik na siya sa kanyang show. Hindi man nakakapunta daily sa kanyang radio show, madalas ay naririnig pa rin siya at nakakapag-phone patch.

Pero sinasabi nga ni Kuya Germs, nananabik na siyang makabalik agad sa kanyang show. Gusto na nga raw niyang magbalik, pero bawal sa kanya ang magpuyat. Isa pa, hindi pa nga siya makatagal nang nakatayo talaga, medyo mahina pa. Pero ang paniwala niya, in no time ay marami ang masosorpresa sa kanyang biglang pagbabalik.

Sabi nga rin namin kay Kuya Germs, isa sa mga dasal namin sa panahong ito ng Holy Week ay ang kanyang complete recovery.

Jolo natambakan ng trabaho

Nakabalik na sa kanyang trabaho sa kapitolyo ng Cavite si Jolo Revilla matapos aksidente niyang nabaril ang sarili. Si Jolo na ngayon mismo ang nagsasabi, hindi totoo ang sinasabi na nag-suicide siya. Hindi rin naman daw totoo ang mga sinasabing nagkaroon sila ng problema ng kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Lalong hindi naman daw totoo ang sinasa­bing gimik niya iyon para makakuha ng simpatiya para sa kanilang pamilya. Nang magbalik sa trabaho si Jolo, mas mabigat pa nga ang kanyang inabot na trabaho. Kasalukuyan kasing nasa abroad si Governor Johnvic Remulla, kaya ibig sabihin siya muna ang tatayong governor hanggang sa pagbabalik noon.

TV star hindi masyadong welcome sa nilipatang network

Mukhang hindi excited ang mga tao sa isang network sa pagpasok sa kanila ng isang TV persona­lity. Kung dati, ‘pag may nakukuha silang bago, lalo na at mula sa kanilang kalabang istasyon, talagang makikita mong ipinagmamalaki nila ang kanilang recruit. Ngayon ang napansin namin ay mukhang wala silang gana sa bagong pasok. Mukha kasing hindi naman gusto ng higit na nakararami sa network ang pagpasok doon ng TV star.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GOVERNOR JOHNVIC REMULLA

HINDI

HOLY WEEK

JODI STA

JOLO

KANYANG

KUYA GERMS

NGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with