^

Pang Movies

‘Di rin natinag sa tawag ni Kris: Jomari pinanindigan ang galit kay P-Noy

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinalaw namin ang set ng The Half Sisters noong Biyernes ng gabi sa Heroes Hills, Quezon City.

Sa umpukan ng mga artista ay sobra ang saya at tuwa na halos aabutin na ng isang taon ang taping mula nang ito ay maere.

Sayang nga lang at mawawala sa story si Derrick Monasterio dahil matagal nang nakaplano ang gagawin niya ngayong April.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na tatagal ang teleseryeng ito. Maski si Andre Paras ay bumiyahe na pa-Amerika pero hindi magtatagal at babalik agad. Kasama ang pamilya, ay dadalawin ang kapatid na si Kobe doon.

Nakausap naman na­min sa taping ng The Half Sisters si Jomari Yllana na open na ang disgusto sa nakaupong Pangulo. Mula raw nang kumalat ang  naging pahayag niya laban sa Pangulo ay araw-araw na ­siyang tinatawagan ng mga kapatid at nag-aalala para sa kanya. Maski raw si Kris Aquino ay nag-text sa kanya at ang hindi lang nagustuhan ng Presidential sisters ay nang sabihan niya nang hindi maganda ang kapatid na under scrutiny ng  netizens.

Sinabi naman daw ni Kris, na naiintindihan  ang freedom of expression although nasasaktan bilang kapatid.

Pero naninindigan naman si Jomari sa mga pahayag niya tungkol kay P-Noy.

Angel at Luis sa batangas lang mamamahinga

Nakatsikahan naman namin sa Showtime si Angel Locsin nang ma­ging pana­uhin ito sa noontime show ng ABS-CBN. Maganda at mukhang hindi tumatanda ang itsura ni Angel. Fresh na fresh ang hitsura niya. Matagal na ­siyang walang teleserye at sa pelikula raw muna siya popokus. Right after Holy Week ay sisimulan na nila ng biyenang hilaw na si Gov. Vilma Santos-Recto ang pelikulang pagsasamahan nila for the first time na si Direk Chito Rono ang director sa ilalim ng Star Cinema. Dapat pang Mother’s Day presentation ito pero mukhang hindi raw aabot.

Wala pa ring ipinag-iba si Angel na mabait at magalang gaya noong una namin siyang makasalamuha sa bakuran ng GMA 7. Lalo na ngayon na si Manay Ethel Ramos ang na­ngangasiwa ng showbiz career niya. 

Wala silang planong mangibang bansa ngayong Holy Week. Balak nila ni Luis Manzano na sa Batangas lang magpalipas ng Semana Santa. Either sa beach house niya or sa bahay nila Luis sa Lipa. Kailangan kasing agad makabalik sila sa Manila after Holy Week .      

                               

 

vuukle comment

ANDRE PARAS

ANGEL LOCSIN

DERRICK MONASTERIO

DIREK CHITO RONO

HALF SISTERS

HEROES HILLS

HOLY WEEK

JOMARI YLLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with