^

Pang Movies

Megan sa Baguio lang isasama Mikael at Andrea magpapakasarap sa Cambodia!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang suwerte naman ni Mikael Daez dahil kari-renew lamang niya ng two-year exclusive contract sa GMA Network, mayroon agad siyang bagong project na gagawin, at hindi dito sa bansa, kundi sa Cambodia.

Makakasama ni Mikael ang favorite leading lady niya na si Andrea Torres at ito na ang pang-apat nilang muling pagtatambal. Aalis sila ngayong April at they will stay there for twenty (20) days dahil tatapusin na nila ang taping doon bago bumalik ng bansa.

“Nagulat talaga kami ni Andrea nang malaman naming doon ang location ng bago naming soap,” kuwento ni Mikael. 

“Minsan na kaming nagpunta roon ni Andrea at napakainit ng pagtanggap nila sa amin at doon namin nalaman na gustung-gusto pala nila ang mga drama series na ginagawa natin dito.”

Samantala, muling babalik ng Baguio si Mikael for the Holy Week. Favorite ngayon ni Mikael ang City of Pines at kasama niya rito ang rumored girlfriend na si 2013 Miss World Megan Young na nag-launch ng sneakershop doon last week.

Carla isang serye lang kada taon ang gagawin

Ayaw daw ni Carla Abellana ng title dahil hindi nga raw niya alam kung paano nai-earn ang title, tulad ng Primetime Queen ni Marian Rivera.

“I’m sure pinaghirapan niya iyon, marami siyang ginawang malalaking projects,” sabi ni Carla.  “Kung minsan naiisip ko rin kung paano niya nakayanan iyon dahil mahihirap ang mga roles na ginampanan niya. Pero hindi naman tayo bibigyan ng work na hindi natin kakayanin, kaya alam kong nagtrabaho nang husto sa mga role niya si Marian.”

Sa three-year contract na pinirmahan niya sa GMA Network, once a year lamang gagawa ng drama series si Carla, pero may isa siyang show na gagawin sa GMA News & Public Affairs at doon siya excited dahil first time niya rito. Okey lang kay Carla kung hindi sila muling pagtatambalin ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez after twice na silang nagtambal sa TV at movies together. Tama rin daw na iba naman ang maging leading lady ni Tom kahit pa very comfortable naman silang magkatambal sa project. 

Ayaw pang sabihin ni Carla kung ano ang bago niyang gagawing soap sa GMA. Pero ang balita, papasok siya sa Pari Koy ni Dingdong Dantes, na kahit isang pari ay magugustuhan ang character niya. Ayon kay direk Maryo J. delos Reyes, bagay ang role kay Carla. Hindi lang sinabi ni Direk Maryo kung guest o magiging part na si Carla ng serye.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

AYAW

CARLA

CARLA ABELLANA

CITY OF PINES

MIKAEL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with