^

Pang Movies

Fans ni Daniel nakahanda na Karla nangangamoy panalo agad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Doon sa launching ng bago nilang show na Your Face Sounds Familiar, hindi naman siguro masasabing na­ging issue, pero napag-usapan iyong text votes at ang malaking advantage ni Karla Es­trada dahil maaasahan na ngang susuportahan siya ng fans ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Kung iiral talaga ang sinasabing “Daniel Padilla votes”, aba eh wala talagang sasabihin ang iba pang mga performers sa nasabing show, lalo na’t kung iisipin na iyang text votes ay fifty percent ng basis sa judgement sa nasabing competition.

Ang iba pang celebrities na kasali sa Your Face Sounds Familiar ay sina Jay-R, Tutti Caringal, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Nyoy Vo­lante, Melai Cantiveros, at si Jolina Mag­dangal.

Kung titingnan mo ang line up na iyan, lahat magagaling sila talaga, pero kahit na sabihin mong may nakalalamang sa boses, wala pa rin iyon dahil ang performance naman nila ay base sa mga music icons na gagayahin nila. Kailangang magaya nila ang hitsura at movements at maging kamukha sila ng mga music icons na gagayahin nila, at kung magagaya nila pati boses, plus iyon. May judges din sila, bukod sa kanilang host na si Billy Crawford. Pero actually wala talagang competition. May premyong malaking halaga, pero hindi sa kanila mapupunta iyon kung di sa kanilang chosen charity. However, sabi nga ni Melai, kuntento na sila sa talent fee pa lang.

Kung iisipin mo, talagang performance lang ang gagawin nila pero naroroon pa rin ang drive dahil sa kanilang chosen charity. Wala pa namang nagsabi sa kanila kung ano ang kanilang chosen charity. Palagay namin may bearing din iyon, kasi kung iyong chosen charity nila ay marami ring supporters, dagdag na text votes pa rin iyon para sa kanila. Pero isang bagay ang sigurado, dahil naiiba talaga ang show na iyan, at malalaking personalities ang involved, palagay namin wawasak talaga iyan ng rating records. Makakakuha iyan ng matinding audience share.

Jam natural daw ang pagkamatay

Habang bumubuhos ang dami ng mga taong nakikiramay sa pagyao ng Internet star na si Jam Sebastian, at bumubuhos din ang mga pakikisimpatiya worldwide, at nag-trending siya sa internet, pinasinungalingan naman ng kanyang inang si Maricar Sebastian na inalisan siya ng life support bago namatay. Nagkaroon kasi ng ganoong ispekulasyon dahil sa Internet posts ng kanyang girlfriend na si Mich Liggayu na nagsasabing “nakapag­desisyon na ang pamilya. Inuubos na lang nila ang gamot ni Jam.”

Sinabi ng kanyang ina, ni-reject nila agad ang mismong kahilingan ni Jam na “mercy killing” noong panahong hirap na hirap na siya sa kanyang sakit. Kaya nga pinilit nila na bigyan pa siya ng life support sa kabila nang sinasabi ng mga doctor na oras na lang naman ang maidudugtong noon sa buhay ni Jam. Pero sinasabi nga ng kanyang ina, “we want him to go on a natural death”. Namatay si Jam dahil hindi na kaya ng kanyang katawan, hindi dahil inalis siya sa life support na tumutulong para mabuhay pa siya.

Female endorser maraming demand kaya balitang kinaiimbyernahan

Tsismis nila, wala ang sikat na businessman sa laun­ching ng endorser niyang artista para sa isa niyang produkto. Iyon pala, naroroon siya sa launching ng isa pang business at ang kasama niya ay ang female star na at odds sa kanyang endorser. Wala sanang makakaalam noon pero naglabasan ang mga pictures sa internet eh. Naroroon din ang lahat ng top brass ng kanilang kumpanya.

Totoo kaya na na-imbiyerna kasi sila sa kanilang female endorser dahil sa demands at nagbanta pang kung hindi ibibigay ang mga demands niya ay hindi siya darating.

vuukle comment

DAHIL

DANIEL PADILLA

KANYANG

KUNG

NILA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with