^

Pang Movies

Wala talagang leading lady...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No, hindi si Sunshine Dizon ang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pari Koy.  Ayon kay Sunshine sa presscon ng kanilang primetime inspirational drama series na mapapanood na simula sa Lunes, March 9, after 24 Oras, siya si Noemi Cruz, ang sekretarya ng simbahan na si Pari Koy ang parish priest at wala rin silang love angle.

“Wala po namang ganun, hindi rin ako ang lea­ding lady as much as I want to,” natatawang wika ni Sunshine.  “Mga ten years ago pa kami nagkatraba­ho ni Dingdong, huli naming pinagsamahan ang En­cantadia pero sa AnnaKareNina kami unang nagkasama. Once pa lamang kami nag-taping ni Dingdong, pero napansin ko, napaka-relax niya, tu­lad din nang una kaming nagkasama. Naging best friends nga kami noon, naging parang magka­patid.  

Madalas kong kasama noon sa taping si Mommy, pero kapag may time na aalis siya, kay Ding­dong niya ako ibinibilin, sasabihin niya, “O Dong, bantayan mo yang kapatid mo!”

May asawa si Sunshine sa Pari Koy, si Carlo Gonzales na lagi siyang sinasaktan at anak nila si Jillian Ward as Sarah Cruz.  Puring-puri ni Sunshine si Jillian na isa raw masayahing bata, magaling umarte. Hindi raw siya nag-isip na at 10, malaki na si Jillian to play her daughter, kasi baby-faced ang bagets, at ang panganay naman niyang si Doreen is already three years old na kasama niya ng gabing iyon, na mataas na for her age. 

Jasmine at Anne magkalaban as best show host

Puwede na bang tapatan ni Jasmine Curtis Smith ang ate niyang si Anne Curtis? Pero recently, marami nang nakapapansin kay Jasmine hindi lamang sa mahusay na pag-arte niya, kundi ganoon na rin sa husay sa hosting.  Nominated si Jasmine sa Students’ Choice of Variety Show Host category sa gaganaping USTv XI Students’ Choice Awards para sa hosting job niya sa SPINNation ng TV5 at kalaban niya sina Anne at Toni Gonzaga.

Masayang-masaya ang TV5 nang pagkaguluhan ng mga Tomasino si Jasmine sa kick-off party ng USTv na kinikilig magpa-selfie sa young actress.  Nakasama niya sa said kick-off party si Ma­rian Rive­ra who represents GMA Network.  Sa ngayon, enjoy naman si Jas­mine sa pagho-host ng Move It: Clash of the Streetdancers na napapanood sa TV5 tuwing Linggo, 7:00 p.m.  

Next month pa gagawin ang awards night ng USTv at marami pang ibang shows ng Happy Network ang nomi­nated.  Isa rito ay ang Best Female News Personality na si Luchi Cruz-Valdes.

More than words babu na sa ere

Final episode na tonight, after 24 Oras, ng rom-com series na More Than Words nina Elmo Ma­galona at Janine Gutierrez.  Mami-miss ng magka-love team ang mga nakasama nila sa soap at si Direk Andoy Ranay na siya palang umalalay kay Janine sa pag-portray nito bilang ugly duckling na si Ikay. Magiging happy-ending ba ang story nina Ikay at Hiro (Elmo)?

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANNE CURTIS

BEST FEMALE NEWS PERSONALITY

CARLO GONZALES

NIYA

PARI KOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with