^

Pang Movies

Paulo nagsalita na sa break up nila ni KC!

- Vinia Vivar - Pang-masa

“Hindi naman siguro nagbi-break ang magkaibigan,” ang sagot ni Paulo Avelino nang matanong siya sa presscon ng Bridges of Love kung totoo ang tsismis na break na sila ni KC Concepcion.

Dagdag pa ng aktor, “Parang wala pa namang inaamin na kami tapos magbi-break kaagad?”

Last week ay may post si KC sa kanyang Instagram account na ganito ang nakasaad: “Gusto na kitang makasama, makatabi, makayakap... Tumawa ng tumawa, hanggang makatulog tayo ng nakapulupot sa isa’t isa... #ThoughtsAt2am #WalangBasaganNgTrip Goodnight”

Nabasa ba ito ni Paulo?

“Check ko mamaya,” sambit ng aktor.

Hindi pa raw niya nababasa dahil lately ay na­ging busy siya at na-flooded daw ang kanyang Instagram account kaya baka hindi lang daw niya nakita.

Pero okay naman ang communication nila?

“Yeah, nag-uusap naman kami,” sagot ng aktor.

Ano talaga ang estado nila ngayon?

“Magkaibigan. Sa ngayon, focus kami sa sarili namin, and we’re trying to be better people and si­guro, parang hindi lang siguro talaga panahon ng pag-ibig,” lahad pa ng aktor.

Natanong din ang aktor tungkol naman sa pag-amin nina JC de Vera at LJ Reyes that they’re da­ting.

“Alam n’yo, para sa akin, it’s all about happiness. Kung saan masaya si LJ or siguro, kahit si JC, kahit sino pa ang piliin nila, basta maging masaya sila.”

Diether mas inatupag ang pag-aaral

Pag-aaral pala ang inatupag ni Diether Ocampo nitong nakaraang dalawang taon kaya hindi siya masyadong napagkikita sa telebisyon.

“I was busy finishing my school program under La Salle’s ACE program for entrepreneurship. So, ‘yun ‘yung pinagkakaabalahan ko and of course, I’ve been waiting for good project and finally, Dreamscape offered this project and I’m very happy that they have considered me,” pahayag ni Diether sa presscon ng Someone to Watch Over Me, ang bago niyang project sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment kung saan ay makakasama niya sina Judy Ann Santos and Richard Yap.

“So far, ‘yun ang pinagkakaabalahan ko, the reason while I was away for few years is because I’m also busy studying,” paliwanag ni Diether.

Would he admit na naging picky din siya sa pagpili ng role at may mga offer siyang hindi tinatanggap?

“Well, I guess, picky is not the right word. Siguro ano, hindi lang fit sa. . .so parang mahirap naman nating ipilit, but of course, I’m very thankful to the people who have considered me.”

Dahil nga nagkaroon din naman sila ng magandang pinagsamahan ni Andeng Bautista na naging ex-gilfriend niya, nahingan din ng komento si Diether tungkol sa nangyari kay Jolo Revilla.

“Hindi ko kasi nasusundan ‘yung ano, eh, but of course siyempre, ‘pag nagkikita-kita naman kami, hindi naman malayo sa amin ‘yung mga ano dahil kababayan ko rin sila sa Cavite and also, you know, I’m quite close to Strike (Revilla), the brother, but other than that, hindi ako updated sa mga current na nangyayari sa kanila.

“But I do hope that things will be better in the near future, of course. I guess they’re going through a lot lately, so knowing them, malalampasan nila ‘yun, I’m pretty sure. I believe they’re a very strong family, so I guess, wala naman sigurong pagsubok na hindi nila malalagpasan as a family. And you know, as a kababayan, I would always wish all the best for them,” say ni Diether.

Juday excited makatrabaho ang dating ka-gimik

Samantala, ayon naman kay Juday, happy raw siya that Diether is back at muli niyang makakatrabaho. Dati na silang magkakasama noon sa Gimik show ng ABS-CBN years back at doon nga nabuo ang barkadahan nila nina Giselle Toengi, Bojo Molina, Mylene Dizon, at iba pa nilang kasamahan sa nasabing show.

“When I saw him kanina, na-miss ko talaga siya. And I’m really excited and happy na tinanggap niya ‘yung project kasi it’s been a while na hindi natin nakikita si Diether sa isang teleserye and at least ngayon, magkasama kami, hindi kami magkabarkada, hindi kami ‘yung gimikan, so medyo mature ‘yung pag-atake namin sa programa. I’m really looking forward to taping days with Diether and of course, with everyone,” say ni Juday.

Si Diether ang makaka-love triangle nina Juday at Richard sa serye at malapit na nilang simulan ang taping.

vuukle comment

ANDENG BAUTISTA

BOJO MOLINA

BRIDGES OF LOVE

BUT I

DIETHER

JUDAY

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with