^

Pang Movies

Anak ng controversial actor nag-audition sa Starstruck

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malapit nang magsimula ang bagong season ng Starstruck ng GMA 7.

Plano ng Kapuso Network na ipalabas sa susunod na buwan ang Starstruck na malakas pa rin ang hatak dahil sa libu-libong kabataan na sumali sa auditions at nangangarap na maging artista.

Kasali sa Starstruck ang anak ng isang controversial actor. Hindi ako sure kung aaminin ng bagets na tatay niya ang aktor na hindi na active sa showbiz pero masyadong makulay at kontrobersyal ang buhay.

Bong nakakahinga na ng maluwag, inaalala na naman ang kaso sa Sandigan

Ipinagdarasal na mabuti ni Senator Bong Revilla, Jr. ang quick recovery ng kanyang anak na si Jolo para makapag-focus na siya sa kaso niya na dinidinig sa Sandiganbayan.

Affected na affected si Bong sa nangyari at napalagay lang ang kanyang kalooban nang makadalaw siya sa ospital noong Martes at  nang malaman niya noong Miyerkules na maayos na ang kalagayan ni Jolo.

Jam ayaw pa sanang sumuko

Hindi pala sumuko si Jam Sebastian ng Ja­mich dahil lumalaban siya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay noong Huwebes.

‘Yun nga lang, hindi na talaga kaya ng katawan ni Jam ang sakit na nararamdaman. The spirit is willing but the flesh is weak.

Tuluyan nang bumigay si Jam at kahit na­­ka­handa na sa anumang mangyayari ang kanyang pamilya, hin­di pa rin nila napigilan ang mapaiyak nang ma­maalam ang binata.

Hindi artista si Jam at ang kanyang girlfriend na si Mich pero sumikat sila nang husto dahil sa kanilang mga video na naging viral.

Pati ang mga sikat na artista, kilalang-kilala sila dahil pinapanood nila sa Youtube ang mga video ng mag­­­- d­yowa na nagkaroon ng engagement pero hindi na­bigyan ng chance na magpakasal dahil tu­luyan nang naghina ang katawan ni Jam.

Dennis Da Silva 12 years na sa kulungan

Nakapanayam ng Startalk si Dennis Da Silva sa Pasig City Jail.

Twelve years nang nagdurusa si Dennis sa bilangguan at walang katiyakan kung kailan siya makalalaya.

Nang mapanood ko ang interbyu ng Startalk kay Dennis, si Daniel Padilla ang naalaala ko dahil may pagkakahawig sila.

In fairness to Dennis, sikat na sikat ito noon at kung hindi siya naligaw ng landas, baka artista pa rin siya hanggang ngayon at iginagalang sa entertainment industry.

Sinabi naman ni Dennis na pinagsisisihan niya ang mga nangyari. ‘Yun nga lang, huli na dahil hindi na niya maibabalik ang nakaraan.

Pamilya Pangilinan nabiktima ng panget na panahon

Nakakaloka ang lagay ng panahon dahil may oras na sobrang init pero kahapon, muling bumalik ang cold weather.

Marami ang nagkakasakit at walang exempted, mayaman man o mahirap.

Kabilang ang Pangilinan family sa mga nabiktima ng trangkaso.

Unang nagkasakit si Sharon Cuneta at ang kanyang anak na si Frankie. Sumunod ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan at ang kanilang anak na si Miel.

Ngayon naman, ang nag-iisang anak na lalake nina Sharon at Kiko na si Miguel ang may sakit at nagdurusa sa lagnat at ubo.

Thank you nga pala kay Sharon dahil sa regalo na ipinadala niya sa akin noong Valentine’s Day. Alam na ng FB friends ng maid of honor ko na nakatanggap ako ng gift mula kay Sharon dahil inilagay niya sa Facebook.

Nalaman ko ang ginawa ng kasambahay ko dahil may nagkuwento sa akin bilang wala akong mga social media account. Wala akong kamalay-malay na nalalaman na pala ng ibang mga tao ang mga kaganapan sa loob ng bahay ko.

vuukle comment

BONG REVILLA

DAHIL

DANIEL PADILLA

DENNIS DA SILVA

NANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with