^

Pang Movies

Pumatok kasi ang business hunk actor hindi muna iniistorbo ang matronang ginagatasan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na sinisipot ng hunk actor na ito na produkto ng isang reality show ang kanyang matrona dahil malaki na ang kinikita nito kahit na wala itong regular TV show.

May pumatok kasing negosyo ang hunk actor kaya tumatanggi na ito sa mga puyatan sa tapings ng mga teleserye.

Kung noon ay naghahanap ito ng mapapasukan na teleserye, siya na ngayon ang umaayaw dahil mas enjoy nga siya sa kanyang business.

At dahil kumikita na siya ng bongga, hindi na niya inaabala ang kanyang on-call na matrona. Ang naturang matrona ang hinihingan niya ng panggastos niya kapag wala siyang bagong show na ginagawa.

May kung anong lifestyle kasi ang hunk actor kaya hindi kayang matustusan ito ng kanyang paggawa noon ng mga teleserye. Kaya kailangan niya ang kanyang matrona na very generous kapag humiling siya rito ng panggastos sa kanyang sasakyan, kuryente, at pang-grocery.

Nakilala ni hunk actor ang matrona na ito noong kasagsagan ng sinalihan nitong reality show.

Naging fan niya ang matrona at nagtatag pa ito ng isang fan club para sa hunk actor. Noong magkakilala sila, nangako ang matrona na bibigyan niya ng sasakyan ito kapag hindi ito nanalo sa reality show.

Noong ma-eliminate si hunk actor sa show, kinabukasan ay may dina-drive na itong brand new SUV care of ng kanyang matronic fan.

Pero hindi iyon libre dahil kung on-call matrona siya, on-call boytoy naman si hunk actor.

May kapalit ang lahat ng ibinigay niya rito, lalo na ang unang condo unit nito na kinainggitan pa ng mga kasama ni hunk actor sa reality show.

Lahat ng gusto ni hunk actor ay ibibigay ni matrona basta kailangan ay paligayahin siya parati nito.

Ilang taon din silang may ganyang relasyon kahit na may non-showbiz girlfriend na si hunk actor. Okey lang sa girlfriend nito ang magkaroon ng matrona lover si hunk actor basta nakikinabang din siya sa mga regalo nito.

Ngayon ay higit isang taon nang hindi binubulabog ni hunk actor ang kanyang precious matrona dahil maganda na ang kinikita nito. Pero kapag in case na kailangan niya ulit ang matrona, tawagan lang daw ito sa kanyang hotline .

Dingdong ipinagpasa-Diyos ang masamang karanasan sa Ponzi

Halatang ayaw na lang ipahalata ni Dingdong Dantes ang kanyang lungkot nang mawala sa kanya ang pelikulang Ponzi na dapat ay siya ang bida. Napunta na ang naturang pelikula kay John Lloyd Cruz. Nagulat na lang daw si Dong na napalitan na pala siya at nagsimula na ang shooting ng Ponzi.

Ang Ponzi ay mula sa direksyon ni Erik Matti na nakatrabaho na ni Dong sa dalawang Aswang Chronicles movie. Isa rin si Dong sa producer ng mga pelikulang iyon.

Ang Ponzi ay balitang ihahabol bilang entry sa Cannes International Film Festival. Ang producer nito ay si Dondon Monteverde at ang GMA Films.

Lumalabas na walang alam si Dong na kinausap din pala ni Dondon si John Lloyd Cruz para sa pelikulang Ponzi.

Maingat sa kanyang mga bibitawang salita si Dong dahil ayaw niyang makapagsimula ito ng hindi magandang pagkakaunawaan with Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

“Kung anuman ‘yun, it will not hinder me from wanting to make do, produce the film that I want to do and the project that I love to do.

“Siguro, it’s very unfortunate that it happened. But I’m fortunate that I found out right now the people whom I should really be dealing with.

“Para sa akin, I’m more motivated. I feel very blessed with this project new project with GMA-7 na Pari ‘Koy.

“Sometimes, you just have to let God dictate what is right and proper for you. It’s good to plan sometimes, create the frameworks, make it, but it’s also sometimes better if you make Him lead you.

“Because, definitely, He will lead you to the proper direction. And I feel that this unfortunate incident led me to this.

“And I’m happy where I am right now and there are better things to do. So, let all move on and God bless you all,” pagtatapos pa ni Dingdong Dantes.

Carrie Underwood may baby boy na!

Ipinanganak na ng American Idol winner na si Carrie Underwood ang panganay nila ng kanyang mister na si Mike Fisher.

Iniluwal ni Carrie last February 27 ang kanilang baby boy na si Isaiah Michael Fisher.

“Tiny hands and tiny feet...God has blessed us with an amazing gift! Isaiah Michael Fisher - born February 27,” pag-tweet pa ni Carrie.

Pareho sila ng kanyang mister na namili ng pangalan ng kanilang baby boy.

“We’ll start throwing things out but it’s difficult. I think we’ll know when we know. It might even take meeting the little guy before we actually decide on something.

“We joke a lot about funny things that go with Fisher, but there’s not some family name that I have had to be like, ‘No! That’s terrible!’

“Nothing will prepare us for how much our lives will really change when we become parents!” tawa pa ni Carrie.

Nagkakilala sina Carrie at Mike noong 2008 and the following year ay na-engaged na sila. In July 2010 ay kinasal sila sa The Ritz-Carlton Lodge in Greensboro, Georgia.

vuukle comment

ACTOR

ANG PONZI

CARRIE UNDERWOOD

HUNK

KANYANG

MATRONA

PONZI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with