^

Pang Movies

Malungkot noong birthday talent manager hindi naalala ng mga binigyan ng raket

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang talent manager ang nakatsikahan namin sa isang showbiz event. Kuwento niya, marami siyang nadalang artista sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Pero sa rami ng kanyang raket, malungkot parin daw ito.

Paano ba naman raw, sa rami nang naihanap niya ng raket at mapagkakakitaan, ni isang palito ng posporo wala man lang nakaalala sa kanyang birthday.

Well, what else is new in showbiz? Pera, pera lang ang nasa utak sabi niya sa amin!

Seksing aktres walang kamalay-malay na sa beki ang ginamit na shorts sa shooting

Sa isang shooting ng isang indie film, nakalimutan magdala ng isang seksing aktres ng gagamiting shorts para sa costume niya. Kunwari kasing buntis siya kaya nataranta ang production designer kung saan kukuha ng magagamit gayung nasa liblib na lugar sila?

Gumawa sila ng paraan, isinikreto ng isang beking make-up artist ang paghubad ng suot nitong shorts at ipinagamit sa aktres.

Hindi alam ng aktres kung kaninong shorts ang suot niya. Akalain ba namang tuwang-tuwa pa ang bruha. Type raw niya ang ganoong klase ng shorts. Malaking problema ‘pag nalaman niya kung sino ang may-ari ng sinuot niyang shorts.

Derrick susunod na pasisikatin ng GMA?!

Mukhang si Derrick Monasterio ang target i-build up ng GMA-7 bilang susunod na hunk actor. Panay ang gym ngayon ng binatang anak ni Tina Monasterio.

Sayang at hindi namin naitanong kay Derrick kung paano siya mawawala sa The Half Sisters dahil nakatakda siyang mag-abroad.                         

vuukle comment

AKALAIN

DERRICK MONASTERIO

GUMAWA

HALF SISTERS

ISANG

KUWENTO

MALAKING

NIYA

TINA MONASTERIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with