^

Pang Movies

Kahit nangako noong hindi na sasabak uli Pacman hindi napigilang kumanta para sa laban ni Mayweather!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi napigilan si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao na mag-record ulit ng bagong kanta.

Nangako si Pacman last year na hindi na siya mag-a-attempt na maging isang recording artist at magku-concentrate na lang siya sa kanyang trabaho bilang congressman, boksi­ngero, coach, at paglaro ng basketball.

Pero hindi mahin­dian ni Pacman ang muling kumanta at may ilalabas na siyang bagong single titled Lalaban Ako Para sa Pilipino na gagamitin niyang fight song sa magiging laban nila ni Floyd Mayweather Jr. sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

Sa pag-introduce kay Pacman, ito ang ipapatugtog habang pumapasok siya sa venue at pag-akyat sa boxing ring.

Ang kaibigan ni Pacman na si Lito Camo ang nagsulat ng naturang kanta. Ito ang ikalawang beses na nag-collaborate ang dalawa para sa isang kanta.

Ilan sa mga ni-record ni Pacman na mga awitin that went viral ay ang Sometimes When We Touch, How Deep is Your Love, at Let It Go.

Drama actress inggit na inggit pa rin sa kapwa drama actress

Nangdedma ang isang drama actress sa kapwa drama actress nang magkita sila sa isang corporate event kamakailan.

Inakala ng mga taong close sa kanila na okey na sila, pero tunay ngang may kasamaan ng ugali talaga si Drama Actress A (DAA) na kahit na nag-extend na ng kamay si Drama Actress B (DAB) ay dinedma pa rin niya ito.

Ayon kay DAB, hindi niya alam kung ano ang problema ni DAA. Ito raw ang unang hindi pumansin sa kanya nang magsalubong sila sa naturang event.

Nagulat na lang si DAB nang irapan daw siya ni DAA nang sabay silang papasok sa venue.

Pakiramdam ni DAB ay gusto na namang magsimula nitong si DAA ng issue niya kaya umiiral na naman ang hindi magandang asal nito.

Hindi na nagugulat pa ang mga kasama ni DAB dahil ‘yun na ang personalidad ni DAA kahit na nagpapaka-sweet siya, pero maasim at mapakla ang pag-uugali nito talaga.

Napag-alaman ng aming source na ang kinaiinggit daw ni DAA hanggang ngayon ay ang isang malaking endorsement na napunta kay DAB.

Gusto niyang siya ang maging endorser ng produktong ito pero ang nagustuhan nga ay si DAB dahil mas maganda ang image nito sa publiko.

William Shatner ng Star Trek hindi nakapagpaalam nang maayos sa matalik na kaibigang si Leonard Nimoy

Labis na ikinalungkot ng Hollywood actor na si William Shatner ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan na si Leonard Nimoy na ilang taon niyang nakasama sa cult classic sci-fi TV series na Star Trek.

Ginampanan nila Shatner at Nimoy ang dalawa sa pinaka-memorable TV characters na sina Capt. James Kirk at Mr. Spock.

Sumakabilang buhay si Nimoy noong nakaraang February 27 dahil sa pakikipaglaban nito sa sakit na chronic obstructive pulmonary disease.

Sa tahanan nito sa Bel Air, California sumakabilang-buhay si Nimoy sa edad na 83.

Agad nag-tweet ng kanyang message of grief si Shatner sa pamamaalam ng kanyang tinuturing na “dearest friend”.

Ikinalungkot niya na hindi siya nakarating sa funeral ni Nimoy dahil nasa Florida siya para sa isang commitment.

vuukle comment

BEL AIR

DAB

LEONARD NIMOY

NIMOY

PACMAN

SIYA

STAR TREK

WILLIAM SHATNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with