^

Pang Movies

Maja laging naghahanap ng oras para kay Gerald

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Dapat pa ba akong tumanggi kay Ms. Aileen Go ng Megasoft Company nang tawagan ako at gusto raw nilang muli kong i-endorse ang number one product nila, ang Sisters Sanitary Napkin?” sagot ni Maja sa muling paglo-launch sa kanya ng company. “Isa pa, mahirap tumanggi sa blessings at masaya ako sa muli nilang pagkuha sa akin. Dahil ibig sabihin may maganda akong nagawa sa kanila kaya salamat sa kanilang pagtitiwala.”

Ilang beses nga kaming nakasama ni Maja sa mga out-of-town promo nito ng Sisters Sanitary Napkin noon at sure kaming maganda ang sales ng Megasoft dahil bawat puntahan naming mall show, pinagkakaguluhan si Maja. Sa pamamagitan nga ng mga comment ng mga bumibili, ayon kay Aileen, mas na-improve nila ang produkto at ganoon pa rin, mas mababa sila ng 20 to 25% sa ibang sanitary napkins sa market.

Lalong naging busy si Maja ngayon dahil bukod sa promo niya, mapapanood na ang bago niyang soap sa ABS-CBN, ang Bridges of Love with Jericho Rosales and Paulo Avelino. Nagsu-shoo­t­ing na rin siya ng Still the One movie niya with Dennis Trillo for Regal Entertainment. So, paano ang lovelife niya? Going strong daw ang relasyon nila ni Gerald Anderson at humahanap sila lagi ng oras na magkasama kahit pareho silang busy.

Jennylyn ayaw seryosohin ang mga kinikilig sa kanila ni Raymart

Sandali naming nakausap si Jenny­lyn Mercado after ng Ap­preciation Dinner ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) at matapos na­min siyang batiin sa pagtanggap niya ng cash incentive bilang best actress, binati rin namin siya sa success ng primetime drama nila ni Raymart Santiago sa GMA-7, ang Second Chances. Gabi-gabi ay nagti-trending sa Twitter dahil kinikilig ang viewers sa kanila ni Raymart Santiago. Ang gaganda ng mga comments sa kanila. Malakas daw ang kanilang chemistry kaya may nagtatanong kung hindi raw ba puwedeng maging sila na rin off-camera?

“Ginagawa lamang namin ni Raymart kung ano ang hinihingi ng script,” natatawang sagot ni Jennylyn. “Siyempre, dahil mag-boyfriend-girlfriend kami sa story, meron talagang kissing scenes. Kaya sinusunod lamang namin kung ano ang iutos ni Direk Laurice Guillen.”

Hindi iyon ang first time na ini-link ang da­lawa dahil may mga nauna na silang ginawang drama series noon, pero that time, may karelasyon si Jennylyn at alam naman nating may asawa na si Raymart. Kaya matagal na raw silang magkaibigan ni Raymart na siya rin nag-introduce sa kanya ng sport na triathlon, at wala sila talagang relasyon. Salamat daw na nagustuhan nila ang soap na mas marami pang dapat abangan sa mga darating na gabi.

Elmo at Janine fans naghihintay agad ng bago project

Bilib kami sa fans nina Elmo Ma­galona at Janine Gutierrez. Nasa final week na ang primetime romantic-comedy series nilang More Than Words pero ilang gabi nang napupuno ang timeline ng Twitter namin sa request nilang bigyan agad ng bagong project ang kanilang mga idolo ng GMA-7. May maganda kayang ending ang story nina Hiro at Ikay, kung biglang mawawala si Hiro, tuluyan na kaya niyang iiwanan si Ikay?

vuukle comment

BRIDGES OF LOVE

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

MAJA

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SISTERS SANITARY NAPKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with