^

Pang Movies

Ipe vindicated sa pananapak noon; Coach ni Pacman nasilaw sa salapi ng kalaban!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi affected si Congressman Manny Pacquiao sa paglipat ng kanyang conditioning coach na si Alex Ariza sa kampo ni Floyd Mayweather.

Hindi afraid si Papa Manny na malaman ni Miss Mayweather ang mga sikreto ng kanyang boxing training.

Lalong hindi siya nag-aalala na ikuwento ni Ariza kay Miss Mayweather ang kanyang mga weakness. Ang sabi nga ni Papa Manny sa isang interbyu, isa lang ang kanyang weakness, ang pagkakaroon niya ng malambot na puso.

Natatandaan ko na sinapak noon ni Phillip Salvador si Ariza dahil sa sobrang epal nito. Tama lang pala na inumbag ni Ipe ang conditio­ning coach ni Papa Manny na walang loyalty at mabilis masilaw ng pera.

I’m sure, malaking datung ang offer kay Ariza ng kampo ni Mayweather kaya hindi siya nagdalawang-isip na mag-ober da bakod.

Matitindi ang banat kay Ariza sa social media dahil sa paglipat niya sa kampo ni Mayweather.

Imposible na hindi makarating kay Ariza ang mga panglalait sa kanya dahil active siya sa social media.

Medyo may kakapalan ang mukha at balat ni Ariza. Baka hindi siya tablan o maapektuhan ng mga pang-ookray sa kanya ng loyal fans ni Papa Manny.

Ruffa at paris-based dyowa, naka-isang taon na

January 15 pala ang exact date ng anniversary ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal.

Nag-celebrate ng first anniversary ang magdyowa noong January 15 at open na open na sila sa kanilang relasyon na unang tinutulan ni Annabelle Rama.

Sina Ruffa at Jordan ang cover ng isang fan magazine at dito sila nagkuwento tungkol sa kanilang first time na pagkikita.

Paris-based si Jordan pero nagbakasyon siya nang matagal sa Pilipinas mula nang makilala niya si Ruffa. Tanggap na tanggap ng mga anak ni Ruffa ang boyfriend ng kanilang ina.

Present si Jordan sa lahat ng mga event ng Gutierrez family, isang ebidensya na tanggap na siya ng mga magulang at kapatid ng kanyang girlfriend.

Aljur malaki ang nagastos para matutuhan ang isang aral sa buhay

True ang mga tsismis na mapapanood na uli ngayon si Aljur Abrenica sa Sunday All Stars.

Na-sight siya na nagpa-practice  sa studio ng GMA 7 para sa kanyang production number ngayon.

I’m sure, makakaramdam ng paninibago si Aljur dahil pitong buwan din siya na hindi lumabas sa Sunday All Stars at sa ibang mga show ng Kapuso Network.

Magastos at mahal ang ‘tuition fee’ na binayaran ni Aljur para matuto siya ng important lesson sa buhay.

Paghahanap ng Dorina hanggang ngayon na lang

Ngayon ang huling araw ng open audition para sa role ni Dorina, ang lead character sa Bituing Walang Ningning na gagawin na musical play ng Viva Communications.

Magaganap ang open audition sa Resorts World Manila at very lucky girl ang mapipili na Dorina dahil garantisado na babayaran siya ng P1 million na kontrata at matutupad ang stardom na pinakamimithi niya.

Si Sharon Cuneta ang gumanap na Dorina sa movie version ng Bituing Walang Ningning.  Kapag nabanggit ang name na Dorina, si Sharon ang agad na pumapasok sa isip ng mga tao.

vuukle comment

ALJUR

ARIZA

BITUING WALANG NINGNING

DORINA

MISS MAYWEATHER

PAPA MANNY

RUFFA

SIYA

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with