^

Pang Movies

Ibinuko ni Jolo, Jodi Sta. Maria may pinagdaraanan

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi raw totoong tatakbong Governor si Jolo Revilla sa 2016 elections. “Sa Vice Governor pa rin ako,” info niya sa amin.

Kumusta ang Valentine’s Day niya with Jodi Sta. Maria?

“Kami pa rin naman po, pero huwag muna nating i-touch ‘yung relationship namin ha? Sa amin na lang sana ‘yung pribadong relasyon namin. May pinagdaraanan kasi ngayon si Jodi at ayoko namang makadagdag pa sa problema.”

Gusto sana naming itanong kay Jolo kung ano ang pinagdaraanan ngayong problema ng girlfriend niya pero nanatili na lang kaming tikom ang bibig.

Sabi ni Jolo, 27 years old na siya. Marrying age na kung tutuusin. “Kung wala lang problema, kahit kailan puwede naman, e. Pero para sa amin ni Jodi, pagda­ting sa relasyon, hinahayaan na lang namin na kumilos ang Panginoon. Diyos lang talaga ang nakakaalam. Saka sa kaso ko, marami pa rin akong kailangang gawing paghahanda. Kailangan I should be physically prepared. Kailangan din, emotionally, spiritually, at saka ‘yung capacity to provide. ”

Last question, ilang taon na ba sila ni Jodi bilang magkasintahan?

“For the record, 4 years na,” maikli niyang sagot.

Lani ayaw sundin ang gusto ni Sen. Bong

Maganda pa rin si Congresswoman Lani Mercado sa tingin namin. Balingkinitan pa rin siya at hindi tulad ng ibang actress na tumaba nang mag-asawa.

Nasa utak pa rin niya ang pulitika sa kabila ng mga pinagdaraanang problema ng husband na si Senator RamonBong” Revilla, Jr. dahil wala nang makapipigil sa pagtakbo niyang Mayor ng Bacoor sa 2016 elections. “Mas gusto kong maging Mayor dahil direkta akong makakatulong sa mga tao.”

Pero minsan, nabanggit ni Sen. Bong na gusto niyang tumakbo si Lani sa Senado, para ma-test kung ano ang pakiramdam ng ibang senador tungkol sa kanya.

“Naku, dapat siguro, he should make up his mind. Sa nangyayari ngayon sa Senado, naguguluhan ako.  Nararamdaman ko naman sa mga tao na mahal pa rin nila si Bong hanggang ngayon.

“Saka para naman akong walang sariling salita kung hindi sa Bacoor ko itutuloy ang pagka-Mayor ko,” 

Si Mayor Strike Revilla ang nanunungkulan ngayon sa Bacoor, Cavite.  Magpapalit sila ng posisyon ni Lani sa 2016.                                       

vuukle comment

BACOOR

JODI

JODI STA

JOLO

JOLO REVILLA

KAILANGAN I

LANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with