^

Pang Movies

Annabelle at nanay ni Sarah, may away pa rin!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napakaganda pa rin at mukhang walang pagbabago sa pangangatawan ni Sarah Lahbati nang makatsikahan ito ng mga showbiz writer sa presscon ng Liwanag sa Dilim na idinaos sa bagong bukas na malaking function room ng Max’s Roces sa QC.

Malaki ang role ni Sarah sa upcoming movie na Liwanang sa Dilim ng APT Productions na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan sa Feb 11. Bale ito ang balik pelikula ni Sarah na iniintriga dahil sa hindi nila pagsipot ni Richard sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Paliwanag ni Sarah ay naka-schedule raw talaga silang pumunta sa kasal ng royal couple pero inabot sila ng bagyo sa Cebu at na-cancel ang flight  pabalik ng Manila. Never naman daw siyang nainggit kay Marian at wala sa ugali niya ang mainggit.

Wala pa pala sa plano nina Sarah at Richard ang pagpapakasal at mas tutok daw sila sa pagpapalaki sa anak na si Zion. Kahit balik-showbiz na si Sarah ay sinisiguro naman niya na hindi niya napapabayaan si Zion.

Hanggang ngayon ay hindi pa pala nagkakasundo sina Annabelle Rama at ang ina ni Sarah na si Esther. Hindi na naman nagbabangayan ang dalawa pero hindi pa sila in good terms. Kaya isa raw ito sa tinatrabaho nina Sarah at Richard para maging masaya ang magkabilang kampo at buo ang pamilya nila. Aminado naman sina Sarah at Richard na nasasaktan sila sa ganitong sitwasyon at hindi sila nagkasama-sama noong Pasko. 

Mukhang hindi na babalikan si Jake Bea bata pa raw at gustong pang i-explore ang buhay at career

Ayaw aminin nina Jake Vargas at Bea Binene na may problema sa personal nilang relasyon pero sa kalagitnaan ng presscon ng Liwanag sa Dilim ay napaamin din ang dalaga na may pinagdaraanan sila at sinisikap nila itong maayos.

Mukhang malaki ang kasalanan ni Jake kay Bea kung meron man. Sa mga sagot kasi ni Bea sa tanong kung mapapatawad niya si Jake gaya ng dati, ang sagot lang niya ay si Lord na lang daw ang bahala kung magkakaayos sila. “Bata pa ako. Gusto kong i-explore ang buhay, career, school, at ang movie ko ngayon.”

Sa panig naman ni Jake ay naiintindihan niya ang feelings ni Bea. Maghihintay daw siya kay Bea at aminadong masakit sa kanya na wala naman siyang magagawa kung hindi ang maghintay kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nila. Kung sila raw talaga ang magkakatuluyan, ay bahala na ang tadhana.

Wrong timing naman ang kanilang break-up dahil nagpo-promote sila ng pelikula at dapat ay positive para may liwanag ito sa takilya at ‘wag naman sa dilim.

Kasama din sa pelikula sina Sunshine Cruz, Julian Trono, at iba pa.

Chris Tiu iniwan na ang pamliya

Bumukod na pala si Chris Tiu sa pamilyang kanyang kinalakihan. Nag-asawa na kasi ang pamosong host at basketball player. Si Chris ay mahal na mahal ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang ina. Kaya naman lumaking edukado at may takot ito sa Diyos. Paladasal din si Chris at debotong Katoliko kung mapapansin natin sa mga social media account niya.

Sa ngayon, ay abala pa rin siya sa I Bilib na educational program sa GMA-7 bukod sa kanyang negosyo, at pagiging public servant, at mga kawanggawa.

Sa weekend episode ng I Bilib ay plastic bottle na edible ang feature nila. Nakakain ba ang plastic bottle? Aabangan ko nga ito sa Sabado ng umaga.

Personal...

Gustong ipaalam ni Ms. Marivin Arayata na may Annual Homecoming ang mga Alumni ng Our Lady of Loreto College sa January 31 sa Claro M Recto High School formerly OLLC Legarda Street sa Sampaloc, Manila. Registration starts at 1:30 p.m.                                                      

vuukle comment

BEA

CHRIS TIU

LEFT

NAMAN

SARAH

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with