^

Pang Movies

Dingdong at Marian hinahanapan na ng anak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kinukulit na ng DongYan fans si Dingdong Dantes nang makausap nila ang Kapuso Primetime King kung kailan ba raw sila magkaka-baby ng wife niyang si Marian Rivera-Dantes. Almost a month pa lamang nang ikasal sila, kaya ang sagot ni Dingdong, pagdating sa bagay na iyon, wala pa siyang maisasagot. Sino ba naman daw sila para panghawakan sa kanilang mga kamay ang ganoong bagay. Iniiwan daw nilang lahat iyon sa kamay ng Panginoon kung kailan sila gustong bigyan ng baby. Nai-excite daw sila ni Marian dahil pareho silang mahilig sa bata, pero alam nilang may tamang panahon para sa nalalapit na mga biyaya. Everything is normal pa rin sa kanila ng bagong misis. Pero ang story nilang dalawa, isusulat nila kung may mga pagbabago sa kanilang mga pananaw at sa kanilang pagkatao.

Kumusta naman ang bagong misis niya? Sagot ng actor, “From the very start, I know that she will be the best wife for me.”

Back to work na nga sina Dingdong at Marian. Si Marian, binalikan iyong mga naiwan pa niyang work bago sila ikasal, like new endorsements. Si Dingdong naman nagkaroon na ng outreach program sa Bulacan para sa kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF) kung saan nag-donate sila ng isang ambulansiya sa Bulacan province with Governor Wilhelmino Sy-Alvarado and Vice Governor Daniel Fernando. Malamang sabay din silang magsimulang mag-taping ng kani-kanilang drama series by February, 2015.

Rochelle wala sa tabi ng BF nang maospital, trabaho ang inaatupag

Nakausap namin si Rochelle Pangilinan sa set ng Ang Lihim Ni Annasandra sa Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal habang inooperahan sa naputol na tendon sa tuhod ang boyfriend niyang si Arthur Solinap dahil sa basketball. Kasama raw naman ang mommy ni Arthur at hindi puwedeng umalis si Rochelle sa last taping day na niya ng afternoon prime na nasa last two weeks na lamang. Kasama rin si Arthur sa soap pero natapos na nito ang taping. Pinagpapahinga si Arthur ng doctor for six weeks.

Andrea nakakuha ng mga galos at pasa sa mga eksena sa gubat

Last taping day naman ngayong Wednesday nina Andrea Torres at Pancho Magno sa Tanay, Rizal ng Ang Lihim Ni Annasandra. Tinanong namin kung mamamatay si Enrico (Pancho) na naging masama dahil na-obsessed siya sa pagmamahal kay Annasandra, pero tumanggi siyang mag-preempt ng mangyayari sa role niya. Ito raw ang pinakamasamang role na nagampanan niya na kung minsan, kumukunsulta siya sa acting coach nila sa set kung paano niya gagawin ang eksena.

Thankful naman si Andrea sa mga kasama niya, lalo na iyong mga eksena nila sa gubat nina Pancho, Maria Isabel at Rochelle. Wala rin daw namang nasaktan sa kanila, maliban sa kanya sa mga galos at konting pasa sa mga eksena. Inamin niyang noong una, hirap siya kapag nagta-transform siya into an awok (baboy damo) pero later on, nasanay na rin siya at naging madali na lamang ang execution niya. Huwag daw i-miss ang finale nila sa February 6, dahil unexpected ang ending ng story. Sila pa rin ba ni Mikael Daez sa finale?

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

ARTHUR SOLINAP

BULACAN

GOVERNOR WILHELMINO SY-ALVARADO AND VICE GOVERNOR DANIEL FERNANDO

KASAMA

MARIA ISABEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with